Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Mark Herras speaks up on breakup with Winwyn Marquez: "Hindi na healthy."

by Bernie V. Franco
Mar 25, 2019
Mark Herras confirms that he and Winwyn Marquez mutually decided to end their three-year relationship on January 2019. "Dumating sa point ng relationship namin na parang, ‘Oy, teka, hindi na healthy itong nangyayari. Hindi na nakakatulong.’"
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagsalita na rin si Mark Herras, 32, tungkol sa breakup nila ni Winwyn Marquez, 26.

Ayon sa Kapuso actor, “Hindi na healthy. Sobrang stressful na ang nangyayari sa aming dalawa…

"Minsan, parang maliit na dahilan na lang, nagtatalo na kami.”

Unang kinumpirma ni Winwyn ang breakup nila ni Mark noong Pebrero ng taong kasalukuyan, pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Pagpapatuloy pa ni Mark tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay: “Nakikita niyo sa relationship niyo, like, away-bati. Pero hindi yung normal na away. May mga ganung nangyayari.

“Hindi ko sinasabing nag-aaway kami palagi, pero dumating sa point ng relationship namin na parang, ‘Oy, teka, hindi na healthy itong nangyayari. Hindi na nakakatulong.’

"Nai-stress siya, nai-stress ako. So, ang nangyayari, sa amin nagre-reflect.”

Inusisa si Mark sa petsa ng kanilang paghihiwalay ng beauty queen-actress.

“Siguro di ko na lang sasabihin yung exact date. Mga January...

"So, mag-i-April na, so medyo papunta na sa fourth month,” sabi ng Kapuso actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng upcoming Kapuso afternoon teleserye na Bihag, Lunes ng gabi, March 25.

Continue reading below ↓

Kinumpirma rin ni Mark ang paliwanag noon ni Winwyn na walang third party sa kanilang paghihiwalay.

“Nagkaroon lang talaga kami ng problema with each other, na parang dumating kami sa point na hindi na nagiging healthy yung relationship,” diin ni Mark.

Gaya rin ng sinabi ni Winwyn, mutual ang desisyon nilang maghiwalay.

Sabi ng StarStruck alumnus, “This is the first relationship din na parang nakipaghiwalay ako o naghiwalay kami nang maayos, na nag-uusap.”

Pagkatapos ng paghihiwalay, hindi rin daw nila sinubukang ayusin ito.

“Hindi namin sinubukan kasi parehas kaming nag-decide. Kami mismo nag-decide na it’s about time na tama na muna.”

May posibilidad bang magbalikan sila?

Sagot ni Mark, “Sa ngayon, hindi ko pa masagot kasi parang huling usap namin, gusto naming gawin lahat, like, ako, trabaho, mag-focus muna.

“Hindi ko rin alam if after this year o next year, e, bibigyan pa ako ng trabaho ng GMA.

“I’m 32 already, gusto ko lang i-maximize yung time na meron ako.

Continue reading below ↓

“Gusto ko talagang ipakita na okay pa rin naman pala si Mark magtrabaho.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras confirms that he and Winwyn Marquez mutually decided to end their three-year relationship on January 2019. "Dumating sa point ng relationship namin na parang, ‘Oy, teka, hindi na healthy itong nangyayari. Hindi na nakakatulong.’"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results