Kapuso actor Migo Adecer arrested in Makati for alleged hit-and-run

by Arniel C. Serato
Mar 26, 2019
Sahaya star Migo Adecer was arrested by authorities in Makati City Tuesday night, March 26, for alleged hit-and-run.
PHOTO/S: Facebook

Inaresto ang Kapuso actor na si Migo Adecer sa Makati City dahil sa hit-and-run, Martes ng hapon, March 26.

Ayon sa ulat ng Saksi ng GMA-7 kagabi, nakabangga diumano si Migo ng dalawang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngunit tinakbuhan daw niya ang mga ito.

Hinabol ng pulisya ang 19-anyos na aktor na lulan ng kanyang sasakyan, at naabutan nila ito.

Continue reading below ↓

Ngunit noong una ay nagmatigas pa diumano si Migo na lumabas sa kanyang sasakyan.

Nang nakalabas na ang Sahaya actor, ayaw raw nitong isuko ang kanyang lisensiya sa pulisya.

Tinangka pa umano ni Migo na iatras ang kanyang sasakyan kaya nakabangga ito ng isa pang sasakyan.

Continue reading below ↓

Matapos ang ilang minutong pakikipagtalo, sumama na rin ang Kapuso actor sa mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, mukhang nakainom ang StarStruck Season 6 Ultimate Male Survivor.

Sasailalim daw ito sa pagsusuri upang malaman kung lango ba ito sa alak habang nagmamaneho.

Ang dalawang nabangga ng aktor ay dinala sa ospital upang mabigyan ng karampatang lunas.

Continue reading below ↓

MIGO ADECER'S LAWYER

Ayon naman sa abugado ni Migo na si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque, hindi umano alam ng kanyang kliyente ang tungkol sa aksidente.

Pahayag ng abugado, base sa ulat ng ABS-CBN News, "Ang initial statement niya sa akin is hindi niya raw alam na meron siyang na-sideswipe.

"Otherwise, ang sabi niya sa akin, kung alam niyang may nasagi, he would stop."

Sinabi rin ni Atty. Abraham-Garduque na sasagutin ng kanyang kliyente ang lahat ng hospital bills ng mga biktima.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN, nasangkot din si Migo sa isa pang traffic violation sa Rockwell, Makati City, Martes ng hapon, dahil sa pagmamaneho nang walang pag-iingat.

Tinitingnan din ng pulisya kung ang nakumpiskang driver's license mula kay Migo noong Martes ng gabi ay peke.

Mahaharap si Migo sa mga reklamong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property at disobedience to person in authority.

LAW VIOLATOR

Samantala, isang netizen ang nag-post sa Facebook ng ilang larawan ng pag-aresto ng mga awtoridad kay Migo.

Continue reading below ↓

Ayon sa post ni Tj Orendain Besa III: "Artista daw ng GMA? Who he?

"He was just cuffed and arrested in Makati for hit-and-run, after hitting couple on a motorbike.

"**videos when i get back**"

Ngayong madaling-araw ng Miyerkules, March 27, sunud-sunod naman ang post ni TJ.

Ibinahagi rin niya ang video ng pag-aresto kay Migo ng Makati police.

Continue reading below ↓

Sabi niya sa caption: "Arrested and cuffed for hit-and-run of motorcycle-riding couple, damage to government property, and running into traffic counterflow after being pursued by other bikers and the Makati police... pinagtitilian pa rin si lodi Migo Adecer

"next: vid 2 of 2, ang pangyayari."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Migo Adecer, Makati
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sahaya star Migo Adecer was arrested by authorities in Makati City Tuesday night, March 26, for alleged hit-and-run.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results