Heaven Peralejo, Jimuel Pacquiao confirm they are in a relationship

by Rachelle Siazon
Mar 27, 2019
Jimuel Pacquiao on first date with girlfriend Heaven Peralejo: "Actually, church po yung first naming labas-labas... Marami kaming things in common, like, pagdating sa food, pati yung roller coasters, ganun, mahilig kaming dalawa."
PHOTO/S: Instagram

Inamin ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na boyfriend na niya si Jimuel Pacquiao.

Si Jimuel ay anak nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.

Si Heaven ay bahagi ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at ex-housemate ng reality show Pinoy Big Brother Lucky 7.

Pamangkin din siya ng mga dating aktres na sina Rica at Paula Peralejo.

Ang pagiging born-again Christian nina Jimuel at Heaven ay isa lamang daw sa mga bagay kung saan sila nagkakasundo.

Pareho ring 19 years old ang dalawa.

"Actually, church po yung first naming labas-labas," nakangiting pag-amin ni Jimuel.

Dugtong ni Heaven, "Kasi parang yun ang bonding namin every week. Nagtsi-church kami every week.

"'Tapos after nun, dinner. 'Tapos hatid sa bahay."

Naniniwala raw sila na ang kanilang pananampalataya ang isa sa nagpapatibay ng kanilang relasyon.

Ani Jimuel, "Parang yun ang most important thing, para right path po, dapat center si God."

Continue reading below ↓

Base ito sa eksklusibong panayam ni Dyan Castillejo sa magkasintahang Jimuel at Heaven, na umere sa ABS-CBN prime-time newscast, TV Patrol, Martes ng gabi, March 26.

Dito ay ikinuwento ng young couple na una silang nagkakilala habang nagsa-shopping si Heaven at kanyang ina sa Greenbelt mall sa Makati City, noong April 2017.

Natiyempuhang namamasyal din noon si Jimuel at mga pinsan nito, na lumapit daw at nagpa-picture kay Heaven.

Isang taon daw ang lumipas at muling nagkrus ang landas nina Jimuel at Heaven sa parehong mall sa Makati.

Tandang-tanda pa raw nila na "same month" din iyon noong una silang nagkita.

Doon na raw nagsimulang nagkakilanlan ang dalawa.

Ayon kay Jimuel, "Actually, nung nag-meet kami, parang ka-vibes kami.

"Marami kaming things in common, like, pagdating sa food, pati yung roller coasters, ganun, mahilig kaming dalawa."

Pareho raw silang "adventurous," ani Heaven.

Nagdesisyon daw silang umamin tungkol sa kanilang relasyon dahil gusto nilang maging tapat sa tao, ayon na rin daw sa turo sa kanilang church.

Continue reading below ↓

"Yun din sinasabi ng parents ko na dapat be honest," dagdag ni Jimuel.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimuel Pacquiao on first date with girlfriend Heaven Peralejo: "Actually, church po yung first naming labas-labas... Marami kaming things in common, like, pagdating sa food, pati yung roller coasters, ganun, mahilig kaming dalawa."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results