Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Arjo Atayde reacts to ArMaine love team tag

by Arniel C. Serato
Mar 27, 2019
Arjo Atayde on relationship with rumored girlfriend Maine Mendoza: "What you see is what you get."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @juansarte on Instagram

Simula nang naging usap-usapan ang gumaganda nilang samahan nina Arjo Atayde at Maine Mendoza, tinawag ng ilang fans ang kanilang tambalan na ArMaine (Arjo-Maine).

Ano ang masasabi ni Arjo rito?

Tugon ng Kapamilya actor, “We’re really happy.

“But, wala naman kaming plano na, di ba, sabihin na sana magka-fan [kami].

“Wala namang ganun, e. It’s a personal side.

"I'm telling you, it has nothing to do with showbiz that’s why, as much as possible, I don’t want to talk about it right now.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Arjo sa grand media conference ng pinagbibidahan niyang pelikulang Stranded kahapon, March 26.

Leading lady niya rito si Jessy Mendiola.

Ito ay mula sa Regal Entertainment, Inc. at ipalalabas simula sa April 10.

STILL EXCLUSIVELY DATING

Ayon kay Arjo, hindi pa nagli-level up ang “exclusively dating” status ng relasyon nila ni Maine.

“Hindi, yun pa rin po,” sabi ng 28-year-old Kapamilya actor.

Continue reading below ↓

Ayon sa nakaugalian sa Pilipinas, ang lalaki muna ang aamin sa relasyon nila ng isang babae.

Naniniwala ba siya rito?

Pagsang-ayon ni Arjo, “Ako naman aamin, e.”

Noong March 24, bago pa man ang 50th Guillermo Mendoza Box Office Awards sa Star Theater, Star City, Pasay City, kumalat sa social media ang larawan diumano nila ni Maine sa isang kuwarto ng hotel.

Mukhang nakatanghod daw si Arjo habang inaayusan si Maine para sa awards night.

Nakatakdang gawaran ng Box Office Queen award noon si Maine para sa pelikulang Jack Em Popoy:The Puliscredibles, na entry nila ni Coco Martin at Vic Sotto sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pero hindi naman direktang sinagot ni Arjo ang tanong.

Sabi lang niya, “What you see is what you get.

“Ayoko po muna pag-usapan si Maine.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde on relationship with rumored girlfriend Maine Mendoza: "What you see is what you get."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @juansarte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results