Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Aiko Melendez says support for boyfriend Jay Khonghun still solid despite narco tag

by Rommel Gonzales
Mar 27, 2019
Actress Aiko Melendez overwhelmed by support of people to her boyfriend, Subic Mayor Jay Khonghun, despite being included in President Duterte's narco list.
PHOTO/S: Jerry Olea

Sa kabila ng mga isyung ibinabato ngayon kay Subic Mayor Jay Khonghun, ikinatutuwa ni Aiko Melendez na mas lalo pa raw minahal ng mga taga-Zambales ang kasintahang tumatakbo ngayong vice governor.

Kabilang ang politician boyfriend ni Aiko sa narco list, na pawang mga pulitiko, na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong March 14.

Pahayag ng aktres, “Actually, iniisip nga namin kung nakaapekto ba.

“Parang mas gusto namin yung reception ng tao ngayon, kasi yung pagyakap nila kay Jay, yung pagpapasalamat nila, hindi ko akalain.

"Ngayon ko lang nalaman these past few weeks na ganun pala siya kamahal ng mga tao sa Zambales.

“Na ang dami pala niyang nagawa!

“So, that’s something that I should be proud of, di ba?

“That’s something na parang, ano ko yun, e, affirmation ko na parang, ‘A, pumupusta naman pala ako sa tamang tao!’

“Kumbaga, kung may na-give up man ako ngayon sa punto ng career ko, worth it naman pala yung pinupustahan ko.

Continue reading below ↓

“Kasi ang dami na niya talagang natulungan.”

Nag-lie low muna si Aiko sa pag-aartista para sa kampanya ng kasintahan.

Hindi ba natatakot si Aiko na dahil naka-focus siya sa pulitika ay baka mapunta sa wala ang kanyang showbiz career na 30 taon niyang pinaghirapan?

“Sana naman huwag mawala!” at tumawa si Aiko.

“In Jesus’s name, huwag naman.

“Hindi naman ako magpapaalam ng forever sa show business.

"Ang ipinaalam ko lang naman is pansamantala, na break lang.

"Na itong 45 days and then yung mga susunod na crucial lang until, in Jesus’ name again, na maupo siya sa Kapitolyo, e, matapos iyon, e, okay na akong magtrabaho ulit, kahit araw-araw na,” at muling tumawa si Aiko.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Aiko sa thanksgiving/victory party para sa kanyang double victory as Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival 2018 at Gawad Pasado Awards 2019.

Continue reading below ↓

Ito ay para sa mahusay na pagganap niya sa pelikulang Rainbow’s Sunset.

Ginanap ang party noong Sabado ng gabi, March 23, sa Chateau 1771, One Bonifacio High Street, Taguig City.

JAY KHONGHUN ON NARCO-LIST ISSUE

Nagbigay naman ng pahayag si Mayor Jay tungkol sa akusasyon sa kanya na isa umano siyang narco-politician.

“The accusations against me are false and baseless.

"And I’ve always maintained my support for this administration’s battle against illegal drugs so talagang dire-diretso lang.

"At, in time, in time, patutunayan naman namin na hindi totoo 'yan,” seryosong sabi niya.

Kinausap na ba nila si Pangulong Duterte tungkol sa akusasyon nito sa alkalde?

"We are trying," sagot ni Aiko.

"In fact, we have contacted yung mga people na who are very close to the President, just for a meeting lang, just to hear our side and present also yung our evidences."

Ano ang sagot sa kanila?

Ayon sa aktres, "We are still waiting for it.

Continue reading below ↓

"And hindi kami maiinip na maghintay because I know one of these days ibibigay din niya sa amin yun."

Nag-text na rin daw sila sa anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Aiko Melendez overwhelmed by support of people to her boyfriend, Subic Mayor Jay Khonghun, despite being included in President Duterte's narco list.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results