Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

GMA Artist Center issues statement about arrest of Migo Adecer

by Arniel C. Serato
Mar 27, 2019
Kapuso actor Migo Adecer to undergo inquest procedures at a Makati court today, March 27.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nakaantabay ang GMA Artist Center sa mga pangyayari kaugnay sa pagkaaresto ng kanilang talent na si Migo Adecer, 19.

Sa kanilang pahayag na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Miyerkules ng hapon, March 27, sinabi ng talent arm ng GMA Network na willing si Migo na tumulong sa dalawang taong nabangga nito sa Makati City kahapon, March 26.

Ipinauubaya na rin nila sa legal counsel ng StarStruck Season 6 Male Ultimate Survivor, si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque, ang mga susunod pang hakbang para sa aktor.

Narito ang kabuuang pahayag ng GMA Artist Center na idinaan kay Miss Angel Javier, Corporate Communications head ng GMA Network (published as is):

"GMA Artist Center is closely monitoring the incident involving Migo Adecer.

"He is willing to assist the two people injured and his lawyer is now coordinating with them.

"We defer to Migo’s lawyer to address all legal matters regarding this incident."

Continue reading below ↓

MIGO ADECER’S ARREST

Martes ng gabi, March 26, inaresto ng Makati City police si Migo matapos niyang takbuhan diumano ang dalawang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lulan ng motorsiklong nasagi raw ng minamaneho niyang sasakyan.

Pero ayon sa Sahaya actor, hindi raw niya alam na may nasagi niya.

Ayon naman sa pulisya, lasing diumano si Migo habang nagmamaneho at nakipaghabulan pa sa mga awtoridad.

Bago pa man ang insidenteng ito, nagkaroon na raw ng traffic violation si Migo sa may bandang Rockwell, Makati.

Nang nakorner na siya ng pulisya sa maty J.P. Rizal Street, nagmatigas pa ang aktor na sumama sa presinto.

Peke rin daw ang driver’s license nito kung saan nakasaad doon na ang kanyang edad ay 25, gayong 19-anyos pa lamang si Migo.

Sasailalim sa inquest procedures ngayong araw si Migo kaugnay ng kinakaharap nitong mga reklamong reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to government property at disobedience to person in authority.

Continue reading below ↓

Nakikipag-ugnayan pa rin ang PEP.ph sa abugado ng aktor upang makahingi ng karagdagang pahayag kaugnay ng kinasasangkutang kaso ni Migo.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Migo Adecer to undergo inquest procedures at a Makati court today, March 27.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results