Karylle prefers watching concerts of foreign singers abroad

Karylle on ticket prices of foreign acts in the Philippines: "It's so mahal."
by Rose Garcia
Mar 27, 2019
Karylle explains why she prefers watching concerts of foreign singers abroad than here in the Philippines.
PHOTO/S: Noel Orsal

Todo-suporta si Karylle sa Sea of Lights concert ng Spongecola, kung saan frontman at lead singer ang mister niyang si Yael Yuzon.

Special guest si Karylle sa nasabing concert na gaganapin sa Marso 29, Biyernes, sa Circuit Makati.

“We also support as many musicians as we can,” nakangiting pakli ni Karylle nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng concert noong Marso 18, Lunes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

“Siyempre, narinig na namin ang lahat ng rants. Siyempre, we’re from family of musicians. Lahat ng hinanakit, lahat ng gigs na walang pumunta.

“Concert like this, we support each other, kasi meron pa rin na parang, 'Mag-i-invite ba ako? E, paano kung hindi dumating ang best friend ko?'

"Yung may mga ganoong sentiments ang mga musician."

Maraming foreign acts sa bansa ang napupuno. Madalas, ilang oras pa lang na na-release ang tickets, sold-out na.

Naapektuhan ba silang OPM artists sa maluwag na pagpasok ng foreign acts sa bansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think it depends,” sabi ni Karylle.

“Ang understanding ko riyan minsan, sometimes you have a budget.

"You have a budget for leisures, bakasyon, for school.

"Although, hindi naman very ganyan ang Pinoy.

“Pero siyempre, kailangan minsan, may nakalaan.

"Kung sobra-sobrang mahal ng presyo ng foreign, kasi mas mura sa abroad.

“Ako kasi, I get to watch a lot of acts sa Las Vegas, kasi my grandparents are there."

Kuwento pa ng It's Showtime host, “Alam niyo, maniwala kayo o sa hindi, nahawakan ko si J.Lo [Jennifer Lopez].

"Kasi, yung ticket sa pinakalikod, same price sa pinakaharap, kasi bawal umupo.

“Nahawakan ko siya. Nahawakan ko ang hands niya, pero yun ang pinakamurang ticket.

“So, kung nandito ako at nandito si J.Lo, hindi ko na siya papanoorin kasi it’s so mahal.

"I don’t know why the price here is mahal.

“Kapag nasa Singapore, medyo mura rin. Kasi, medyo subsidized yata.

“Yun lang, baka naapektuhan kasi yung budget.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“But I think," patuloy ni Karylle, "music in general is doing well. Yael has a lot of gigs, they’re always full.

"Sometimes subsidized by sponsor or government or local government, I think it’s fine.

“Pero yung parang regular concert, hindi masyadong sanay kapag local or minsan. Kasi, sanay sila sa gigs.”

Natawa naman si Karylle nang tanungin namin kung ilang taon na silang kasal ni Yael.

“I don’t really count,” sabi niya. “Kasi, baka sabihin nila ang tagal na or mamaya, it’s something year’s itch.”

Noong Marso 21 ay ipinagdiwang nila ang ikalimang anibersaryo ng kanilang kasal.

“So far so good,” saad ni Karylle.

“It’s nice to have a partner na pushes you creatively also and supports you that way.

"And we understand each other a lot. We’re just very chill at home."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karylle explains why she prefers watching concerts of foreign singers abroad than here in the Philippines.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results