Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Aiko Melendez carefully explains to her children her support for Mayor Jay Khonghun

by Glenn Regondola
Mar 28, 2019
Aiko Melendez on explaining to her children her support for boyfriend Mayor Jay Khonghun: "Sabi ko sa kanila, 'Andre, Marthena, he needs me.'"
PHOTO/S: Jerry Olea

Nagpaliwanag si Aiko Melendez sa mga nagtatanong kung paano naiintindihan ng dalawa niyang anak na sina Andre at Marthena ang matinding involvement niya sa kampanya ng kanyang boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun.

Bago pa man ang pagsisimula ng kampanya para sa local candidates nitong March 29, kasama na siyang naglilibot sa buong Zambales.

Si Mayor Jay ay tumatakbo bilang vice governor ng Zambales, at si Aiko naman ay punong-abala sa pag-aasikaso at pagtulong para sa kampanya nito.

Si Andre ay anak ni Aiko sa kanyang unang asawa na si Jomari Yllana, habang si Marthena naman ay anak ng aktres sa kanyang pangalawang asawa na si Martin Jickain.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Inupuan ko talaga sila.

“Sabi ko sa kanila, ‘Andre, Marthena, he needs me.’

“I have to explain everything nga, even the issue, ‘cause I don’t want them to come and question na, ‘Mom, what’s this thing we heard from...’

Continue reading below ↓

“Kasi, alam mo naman ang mga bata ngayon sa school, di ba?

“They are exposed to... may gadgets.

“I don’t want them to... ayoko... at least, first-hand story.

“I told them, ‘This is the issue to Tito Jay. This is what happened.’

“In-explain ko talaga nang mabuti sa kanila.

“And sabi nila, ‘Go ahead, Mom, you have to support Tito Jay,’ and after that, we will have a family time.

“I’m blessed with good kids, you know.”

Ang sinasabing isyu ni Aiko ay ang tungkol sa pagkakasama ni Mayor Jay sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabat naman ni Mayor Jay, na katabi ng award-winning actress habang ginaganap ang panayam na ito sa Chateau 1771, sa BGC, noong March 23, “They’re very supportive nga.

“Talagang nakakatuwa. Talagang suportado nila ang mommy nila at sa ako.

“Nakakatuwa dahil, at least, at this early age, naiintindihan nila yung mga isyu.

“They’re aware kung ano ang mga nangyayari. I am very thankful na talagang naiintindihan nila.”

Continue reading below ↓

AIKO MELENDEZ, THE ACTRESS

Anim na araw nga raw si Aiko sa Zambales, pero ang araw na Linggo ay para talaga sa mga anak niya.

Pero sinigurado naman ng aktres na pagkatapos nila ay babalikan pa rin niya ang showbiz, lalo na nga’t isinakripisyo na niya ang teleseryeng Sandugo, kung saan ang role niya ay napunta kay Vina Morales.

Sa puntong ito, napag-usapan naman ang tungkol sa dalawang magkasunod niyang Best Supporting Awards.

Kahit papaano, may dalang pressure ito sa kanya bilang isang aktres.

Saad ng 43-year-old actress, “Actually, mahirap.

“Akala kasi nila, kapag nanalo ka ng award, it’s like being in Cloud 9, no.

"After that, 'Ano ang gagawin mong next na mas hihigitan mo yung ginawa mo?'

“Kaya nga, pressured, pressured.

“Pero I’m under the management of Tito Boy [Abunda], how can I go wrong?

“And I have an open communication with him, we brainstorm about a project.

“And my dream for this year, sana mangyari, in Jesus's name, sana makapagprodyus ako ng film ko.

Continue reading below ↓

“Sana, sana.”

Tungkol pa rin sa award, marami raw ang nagtaka kung bakit hindi siya nominated sa FAMAS Awards para sa pagganap niya sa Rainbow's Sunset.

Reaksiyon ni Aiko, “Mas nagulat ako hindi nominated si Tita Glo because I feel na si Tita Gloria Romero deserves that recognition more than anybody of us.

“Wala atang dominated mula sa film namin.

“But still, I respect the institution.

“Maybe they have a different taste naman sa life. Yun lang.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on explaining to her children her support for boyfriend Mayor Jay Khonghun: "Sabi ko sa kanila, 'Andre, Marthena, he needs me.'"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results