Yassi Pressman dismisses third-party rumor in Coco Martin-Julia Montes relationship

by Bernie V. Franco
Mar 30, 2019
Yassi Pressman (left) reacts to people linking her name to the rumored romance of Julia Montes and Coco Martin.
PHOTO/S: @yassipressman and @cocojulbukayo on Instagram

Walang katotohanan ang pagli-link kina Yassi Pressman, 23, at Coco Martin, 37.

Ito ang tahasang nilinaw ni Yassi sa episode ng Tonight With Boy Abunda nitong Biyernes, March 29.

Sina Yassi at Coco ay magkapareha sa long-running Kapamilya prime-time series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayon kay Yassi, nauwi sa pagiging close ang pagiging magkapareha nila sa teleserye.

Inusisa ng host na si Boy Abunda ang aktres kung gaano sila ka-close ni Coco.

“Very… He’s a really, really good friend,” sagot ni Yassi.

Inamin din ni Yassi na noong una ay kinabahan siya sa pagtatambal nila ni Coco dahil nadadawit na ang kanyang pangalan sa tuwing pinag-uusapan ang diumano'y relasyon ng aktor at ni Julia Montes.

“In the beginning siguro. I was a little nervous.”

Nabahala ba siya sa pagkaka-link niya kay Coco?

“Medyo po, kasi hindi naman talaga ako kasali,” sagot ni Yassi.

Continue reading below ↓

Diin pa niya, walang basehan ang isyung ito.

Ikinagulat din ni Yassi ang tanong ni Boy na may mga nagsasabing umalis ng bansa si Julia dahil daw sa kanya.

“Grabe naman po, Tito Boy! Saan naman po galing yun?!” natatawang sagot ng aktres.

Pero ngayon ay natutunan na lang daw tawanan ni Yassi ang mga ganitong isyu.

Sa kasalukuyan ay naninirahan si Julia sa Germany, kasama ang kanyang ama.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman (left) reacts to people linking her name to the rumored romance of Julia Montes and Coco Martin.
PHOTO/S: @yassipressman and @cocojulbukayo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results