John Lapus finds deeper sense of fulfillment as director

John "Sweet" Lapus raring to act again: "Available na available ako, mga suki!"
by Ruel J. Mendoza
Mar 30, 2019
Comedian John "Sweet" Lapus on the joys of directing: “Iba nga kapag ikaw ang nasa likod ng kamera. Kumbaga, ikaw ang kapitan ng barko."

Hindi man busy sa pag-arte ngayon si John “Sweet” Lapus sa teleserye o sa pelikula, nakakaramdam siya ng ibang fulfillment sa kanyang pagiging director.

Pagkatapos ng directorial debut niya sa big screen via Pang-MMK, sa kanya pinahawak ang pagdidirek ng Wansapanataym episode na "Mr. Cutepido" nina McCoy de Leon at Heaven Peralejo.

“Habang wala pa akong ginagawang teleserye, heto at tuloy pa rin naman ang Mr. Cutepido.

“Hanggang April pa yung episode, kasi marami ang natutuwa kina McCoy at Heaven.

“Iba nga kapag ikaw ang nasa likod ng kamera.

“Ilang taon din kasing artista lang ako kaya noong ako na ang sumisilip sa mga eksena, makikita mo ang lahat.

“Kumbaga, ikaw ang kapitan ng barko.

“Kung ano ang maging desisyon mo sa scene na kukunan ninyo, pananagutan mo iyon.

“Kaya I make it a point na maayos lahat sa frame, na lalabas sa eksena yung vision ko at ng writer ng episode,” pahayag ni Sweet sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya via Facebook Direct Messaging.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RARING TO ACT AGAIN

Kung may offer daw na teleserye, gusto ni Sweet na ma-involve siya sa development ng project.

Lahad niya, “Oo, at miss ko na ang umarte.

“Sana nga magkaroon na ulit ako ng offer.

“Mga huling nagawa kong teleserye last year ay The Blood Sisters at Since I Found You.

“Kaya available na available ako, mga suki!

“If ever na magkaroon tayo ng offer, gusto kong makasama sa development ng story.

“Para nagagamit ko pa rin ang mga napag-aralan ko sa scriptwriting at filmmaking workshops, di ba?”

Kaya habang walang acting job ay sa pagdidirek muna nakatutok si Sweet.

WORKING WITH MAYMAY

At ang latest na project niya ay ang pagdirek niya ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya kunsaan bida si Maymay Entrata.

Heto ang post ni Direk Sweet sa kanyang Instagram account:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ni Sweet, “Ngayong Sabado na 'yan. Napakahusay ni Maymay dito.

“I asked her handler sa Star Magic na sana paghandaan ni Maymay.

“Aba, nagpa one-on-one workshop siya kay Teacher Ana Feleo na napakahusay na acting coach.

“So before kami nag-taping nag-usap kami ni Ana.

“Ayun, naging madali ang collaboration namin ni Maymay.

“Life story ito ni Judith Manap, first Aeta na lumaban sa Miss Mariveles.

“Next week naman yung dinirek ko na Ipaglaban Mo episode starring Ria Atayde, Vin Abrenica at John Arcilla.

“Iba naman ito. 'Gayuma' ang title. May pagka-suspense at drama siya.

“So happy that I was given the chance to direct these two shows.”

STAR CINEMA PROJECT

Sa movies ay may na-pitch na raw si Sweet na isang project sa Star Cinema.

Dasal niya, “I am praying na magustuhan nila.

“Naging maganda naman ang debut ko as a film director with Pang-MMK.

“Hopefully ay masundan ito ulit ng isa pang magandang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pray lang ako parati na mabigyan ng green light ang na-pitch ko na project.”

Concerned daw si Sweet sa kalagayan ng mga local films na hindi kumikita at mabilis na pinu-pullout sa mga sinehan these days.

Ang iba raw pelikula ay tampok ang mga kaibigan niya at nalulungkot siya sa sinasapit ng mga pelikula nila sa box-office.

“Kung gagawa ulit ako ng movie, dapat talaga magandang material, yung mae-entertain talaga ang audience.

“Kailangan kasi sulit ang binabayad nila.

“Ngayon kasi, hindi kasi porke't big star, kikita na ang movie.

“Minsan naman, may mga kumitang pelikula na hindi sikat ang bida.

“Sa totoo lang, mahirap tukuyin ngayon ang gusto ng publiko,” pagtatapos ni Sweet.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian John "Sweet" Lapus on the joys of directing: “Iba nga kapag ikaw ang nasa likod ng kamera. Kumbaga, ikaw ang kapitan ng barko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results