Naging vocal si Arjo Atayde, 28, sa pagpapahayag ng pagmamahal sa nali-link sa kanya ngayong si Maine Mendoza, 24.
Maging ang mga mahal sa buhay ni Arjo ay napapansin daw ang maganda at malaking pagbabago kay Arjo dahil kay Maine.
Sa episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay ngayong Lunes, April 1, malayang ipinahayag ng Kapamilya actor ang pagiging magandang ehemplo sa kanya ni Maine.
Saad ni Arjo, “It took time siguro to find myself in this industry.
"It’s hard to find yourself, somewhere to put yourself, somewhere in some spot in this industry.
“Siguro right now, with the person that’s just always with me, with my loved one, I’m super inspired.
“And siguro right now, I just know where I stand, I know my worth, I know who I am, I know what path I really want to take, kung ano gusto ko talaga ipakita sa tao.”
Inamin din ni Arjo na naikukuwento niya sa Kapuso star ang kanyang proud moments.
ARJO ON LOVE FOR MAINE
Inusisa si Arjo kung paano niya ipinapakita ang kanyang pagmamahal kay Maine.
Sagot niya, “Quality time. Clingy ako, e. Clingy akong tao.
“I love her company so much.
"So it’s always something I look forward to and I’m very thankful for."
Inilarawan ni Arjo ang sarili bilang isang “old school.”
Kinakabahan ba siya kapag umaakyat ng ligaw?
“Of course, meron, since its new. May kaba all the time. Pag humaharap sa family,” sagot ni Arjo.
Sa hiwalay na interview, sinabi ng aktor na nakaramdam siya ng kaba at takot nang una niyang makaharap ang mga magulang ni Maine.
Sa puntong iyon, inusisa ng host na si Karla Estrada kung kinakabahan pa ba siya sa pamilya ni Maine kahit na magkarelasyon na sila.
“Dating,” nakangiting paglilinaw ni Arjo tungkol sa estado ng relasyon nila ng Eat Bulaga! host.
Dagdag niya, “It’s still there.
"The fun thing about a relationship, hindi ka puwedeng tumigil sa pagliligaw.
"I think that’s the secret."
ARJO'S FAMILY APPROVES OF MAINE
Nagsalita rin ang lola at nakababatang kapatid ni Arjo tungkol sa love life ng aktor.
Sabi ng lola niyang si Pilar Atayde, “Lahat desisyon niya 'yan, e.
"Kasi kung sa puso, hindi mo puwedeng pakialaman.
“May kanya-kayang pakiramdam.
“Kung ikaw ay talagang umiibig, paano mo 'yan hihintuin?
“Ipagpatuloy mo. Bahala siya, ‘no?
“If he’s happy where he is, you should be happy.”
Tinanong ang lola ni Arjo kung pabor ba siya kay Maine.
Sagot niya, “Mahal ko 'yan, e. Alaga ko 'yan nung baby 'yan. Alaga ko siya.
“Why not? I’m happy for him, as I’ve said.”
Inusisa rin ang nakababatang kapatid ni Arjo na si Gela kung gaano ka-in love ngayon si Arjo.
“Super happy. I’ve never really seen him this super, like, super involved in the relationship.
“He’s really… his aura, he’s just happier now.
“And even my family noticed he’s more cheerful and when we talk about things, he’s very enthusiastic about it.
“We’re just super happy that he’s happy.”
