Vilma Santos's mother Milagros Santos passes away

by Jojo Gabinete
Apr 1, 2019
Rep. Vilma Santos and her family have yet to issue an official statement about the passing of Mrs. Milagros Santos
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagluluksa ang pamilya ni House Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto dahil sa pagpanaw ng kanyang mahal na ina na si Mrs. Milagros Santos.

Sumakabilang buhay si Mama Milagros ngayong Lunes ng umaga, April 1, sa isang ospital sa Batangas. Siya ay 93.

Hindi pa naglalabas ng official statement ang Santos family tungkol sa dahilan ng pagpanaw ni Mommy Milagros.

Pero ayon sa ilang malalapit sa kanila, magsisimula ang public viewing sa labi ng ina ng Star for All Seasons sa April 3, Miyerkules, sa Loyola Memorial Chapels, Sucat, Parañaque City.

Matagal nang hindi nakikita sa mga public gathering si Mommy Milagros mula nang magkaroon siya ng Alzheimer’s Disease.

Bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila ni Mommy Milagros, pati na sa kanyang apo na si Luis Manzano na nag-post sa Facebook account nito ng “RIP Mama Ganda.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rep. Vilma Santos and her family have yet to issue an official statement about the passing of Mrs. Milagros Santos
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results