“Heavy,” ang description ni Tommy Abuel nang tanungin kung paano ang naging karanasan niya sa pagsu-shoot ng Dagsin (Gravity sa wikang Ingles).
“But it was a pleasant experience. Although ang title ay heavy, on the contrary, making the film was light, very light.”
Pero hindi makakalimutan ng veteran actor ang isang pangyayari na habang ginagawa ang Dagsin ay sumakit ng todo ang kanyang tiyan dahil sa gallstones.
Nagkataon pa naman na noong sumasakit ang kanyang tagiliran ay eksenang kukunan sa kanya ay naka-harness siya.
Natuloy pa rin naman ang naturang eksena.
Sulit naman ang effort ni Tommy sa pelikula dahil tatlong Best Actor trophies ang napanalunan niya para sa Dagsin: sa Los Angeles Philippine International Film Festival (Los Angeles, USA), sa Cinemalaya Film Festival 2016, at sa European Philippine International Film Festival 2018 (Florence, Italy).
Pinarangalan rin bilang Film Ambassador si Tommy ng Film Development Council of the Philippines noong 2018.
Ano ang pakiramdam ng veteran actor na apat na karangalan ang nakamit niya para sa isang pelikula?
“It’s a nice feeling, siyempre masaya! It was validation of the work that you have done.”
Unang beses itong nangyari sa kanyang showbiz career.
“Noon naman kasi when I was doing movies kokonti naman ang mga award-giving bodies. It was only what, FAMAS, Urian. Urian even came later, so ang una FAMAS.”
Gumanap si Tommy sa Dagsin bilang si Justino Razon.
Ang Cinemalaya 2016 entry na ito ay magkakaroon ng commercial run sa mga sinehan sa April 20.
“Always hope for the best! Iyon lang ang feeling that you can get.”
Nasa Dagsin rin sina Janine Gutierrez (bilang young Corazon Bishop-Razon), Marita Zobel (bilang Corazon Bishop Razon), Benjamin Alves (bilang young Justino Razon) at Lotlot de Leon (bilang Mercy Razon).
Ang Dagsin ay sa direksyon ni Atom Magadia at produced ng Atom & Anne Mediaworks ng mag-asawang Atom at Anne Magadia.
Napapanahon na Black Saturday ipapalabas ang Dagsin dahil namatay si Corazon ng Palm Sunday at ang pelikula o kuwento ay natapos ng Easter Sunday.
Ano ang nagustuhan ni Tommy sa karakter niya o sa pelikula at tinanggap niya ang Dagsin?
“Well, the whole concept of the film, the idea of the of the whole thing na redemption and kumbaga looking back sa buong buhay niya, kung papaano niya na-resolve yung kanyang problema sa buhay.”
Nakilala ng personal ni Tommy si Benjamin kahit hindi sila nagkasama sa eksena sa Dagsin dahil young Tommy ang papel ni Benjamin.
“Nag-meet kami sa storycon, nagkita-kita naman kami bago magsimula ang pelikula, ang shooting.”
Nakamit na ba ni Tommy ang nais niyang ma-achieve bilang artista o may nais pa siyang makamit?
“Wala naman. At this point of my career kung ano ang dumating, whatever comes along, wala namang gusto pang magampanan. Because all the movies naman kasi, I’ve also been doing theatre, sa theater mas wider ang roles that you can portray.
“Theater and television. So been there, done that,” at tumawa ang mahusay na aktor.
Ang huling teleserye na napanood si Tommy ay ang Cain At Abel sa GMA-7.
Lahat naman raw ng nagawa niyang proyekto ay paborito niya.
“Kasi when you accept a project lahat ng project that you accept, you give one hundred percent so it becomes your favourite. Lahat ng tinanggap mo becomes your favorite.
“Wala akong particular na isang paborito because I have given my one hundred percent to everything I have accepted.”
INSPIRATION FOR DAGSIN
Nakapanayam rin namin si Atom Magadia, ang direktor ng pelikulang Dagsin at ang unang tanong sa kanya ay bakit isang period movie ang napili niyang unang gawing pelikula?
Mahirap gumawa ng isang period film.
Ani Direk Atom, “Ang istorya po niyan, dalawa po yung nakapasok sa Cinemalaya nung year na iyon na amin, pinapili po kami.
“Pini-pitch ko po yung pangalawang pelikula which is about, it’s more lighter. May batang babae, merong middle age, merong older person, yung buhay nila nagkikita-kita sila parang ganun.
“Yung committee, mas nagustuhan yung Dagsin.
“Pitch ako ng pitch nung isang istorya, Dagsin sila ng Dagsin.
“So sabi ko, ‘Gusto niyo po yata yung Dagsin so yung Dagsin na ang gagawin namin.’
“So yung Dagsin na po ang nagawa.”
Ang mga artista ng Dagsin ay sina Tommy Abuel (as Justino Razon), Marita Zobel (as Corazon Bishop Razon), Benjamin Alves (as young Justino), Janine Gutierrez (as young Corazon), at si Lotlot de Leon bilang Mercy Razon.
Ano ang naging inspirasyon ng Dagsin?
“Ang original na seed idea, sinulat ko nung nasa film school pa ako. Pero short film siya, five pages lang. So parang five minutes, ganun. Ang nangyari nung naghahanap na kami ng istoryang gusto naming sabihin, marami ng nangyari sa buhay namin.
“Ikinasal na ako, tapos ang daming nangyari sa amin within the last, from 2007 to 2010, nagkasakit yung anak namin, muntik nang mamatay, yung parents ko parehong nagka-canser.
“Na-stroke ako ng 2010, hindi ako makalakad.
“So lahat nun nilagay namin sa Dagsin, kasi ng yung paniniwala mo sa Diyos, parang, ‘Bata pa. Bakit mo ako kinuha?’
“Yung parang ganung ba. So iyon ang parang naging seed story ng Dagsin.”
Nakakalakad na muli si Direk Atom.
Nakausap namin ang mag-asawang Atom at Anne nitong April 2 sa Music 21 Plaza sa Timog Avenue sa Quezon City.
Kuwento naman ni Anne:
“We were just lucky like wth our daughter, which as a parent or as a person, yung loved one mo nanganganib ang buhay you really end up questioning your faith, you question what you do.
“Kasi you think that when you’re a good person, then good things happen to you but the thing is, it’s not always the case.
“So like with me, there was a time like I was nine, they told me I couldn’t walk, I had spinal surgery.
“In Dagsin, you also see that he [Tommy as Justino] is in a wheelchair, that wheelchair was used by Atom by the time he was recovering, and me I was in a wheelchair for like a whole year as well.
“So Dagsin is really born from a lot of experiences that we had that’s why hindi siya kuwentu-kuwento lang. Na-experience po talaga namin,” ayon pa kay Anne na tulad ng mister niya ay nakakalakad na ring muli after her surgery.
Ang wheelchair na ginamit ni Tommy sa pelikula ay dating wheelchair ni Atom.
Unang directorial job ni Atom ang Dagsin at nanalo siya bilang Best Director sa Urduja Film Festival 2017.
Umabot ng 18 awards na ang nakakamit ng Dagsin para sa acting and technical categories.
“It’s wonderful, it’s wonderful,” ang bulalas ni Atom na unang pelikula pa lamang niya ang Dagsin ay humakot na ito ng awards, both local and international.
“Thank you God! Iyon lang po ang masasabi ko.”
Dagdag pa ni Atom: “We’re very lucky because we got this playdate. Although The Avengers is
coming within four days, yung budget lang namin po ang gusto namin mabawi.
“So wala po talaga kaming nakasabay for some reason, most the big studios, they put something on Black Saturday, but this year for some reason, we got lucky.”
Ang ibang pelikula ay ayaw tumapat sa The Avengers: Endgame.
“Kami naman kalkulado kasi gusto lang naming mabawi yung nagastos namin kasi may mga investors kami,” nakangiting wika pa ni Atom.