Yassi Pressman replies to netizen accusing her of coming between Coco Martin and Julia Montes

by Rachelle Siazon
Apr 8, 2019
Yassi Pressman reacts to netizen's comment that she is trying to steal Coco Martin's attention away from Julia Montes.
PHOTO/S: Instagram

Hindi pinalampas ni Yassi Pressman ang isang netizen na inaakusahan siyang third party sa relasyong Coco Martin at Julia Montes.

Nag-ugat ito sa dalawang magkasunod na cryptic posts ni Yassi sa Instagram noong March 31.

Sa unang post ni Yassi, may kalakip itong written text na nagsasabing "trust: firm belief in the reliability, truth, ability, or strength of someone or something."

Sa ikalawang post ni Yassi, makikita ang screencap mula sa music video ng kantang "Thinking of You" ni Katy Perry.

Wala itong anumang caption.

Continue reading below ↓

Pero sa comments section ng naturang post, isang netizen na may Instagram handle na @charityhappy ang nagsabing panay ang “pagpapapansin” ni Yassi kay Coco.

Si Yassi ang leading lady at gumaganap na misis (Alyana) ni Coco (Cardo) sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano. Tatlong taon nang magkatrabaho ang dalawa sa show.

Ang netizen na si @charityhappy ay may Instagram posts na nagpapahiwatig na supporter ito ni Julia.

Si Julia ay dating leading lady ni Coco at matagal nang inuugnay na girlfriend umano ng aktor.

Sabi ni @charityhappy kay Yassi: “may mga aswa na yang cast sa AP syempre kampo yang mga yan sa original… sabit ka lang eh.

“May natalo nga sa pustahan kasi hindi ka nagpost ng pusa… matapos magpost ni coco ng pusa… may pumusta na mgpopost ka ng pusa after few days.

"Basang basa na ang pagpapapansin mo @yassipressman."

Continue reading below ↓

Makikita ito sa comments section sa Instagram post ni Yassi noong March 31.

Kalmado pero malinaw ang mensahe ni Yassi na hindi uubra sa kanya ang pambabatikos ng netizen.

Sabi ng Kapamilya actress: “@charityhappy you are not welcome here [hug emoji] have a good day

“@charityhappy this is my account dear, only good vibes :)”

Continue reading below ↓

FAN DEFENDS YASSI

Samantala, mabilis ding ipinagtanggol si Yassi ng mga tagasuporta ng tambalan nila ni Coco.

Isa na rito ang netizen na si @cocoyass_honey na nagsabing si Yassi ang “original asawa at jowa” ng lead actor ng Ang Probinsyano.

Buwelta ni @cocoyass_honey kay @charityhappy: “hindi pa ba obyus [tongye sticking out emojis]! Sinasampal ni coco sa inyu pinag mayabang si @yassipressman kahit saan sila mg punta! Pinaka mamahal ni cardo!”

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng tagasuporta ni Yassi, “@yassipressman nanay patayin mo sa sindak sa japan [tongue sticking out emojis]! Sarap kaya asarin nay!”

Pero umapela si Yassi sa kanyang fans na huwag nang makipagdebate hinggil sa isyu.

“@cocoyass_honey no no, enough na guys [hug emoji] just positivity [hug emoji]”

Continue reading below ↓

Sa huli, nagpatutsada pa rin si @cocoyass_honey na hindi umano apektado sina Yassi at Coco sa hiwalay na isyung "pagbubuntis" ng isang hindi pinangalanang personalidad.

Continue reading below ↓

YASSI AND COCO JUST GOOD FRIENDS?

Una nang nilinaw ni Yassi na "really, really good friend" ang turing niya kay Coco.

Base sa March 29 episode ng ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, sinabi rin ni Yassi na "hindi naman talaga ako kasali" sa kung anumang isyung sangkot sina Coco at Julia.

Continue reading below ↓

Ito ay matapos siyang tanungin ng host na si Boy Abunda kung bakit madalas nadadawit ang pangalan niya sa mga isyung may kinalaman sa rumored couple.

Tinawanan lang din ni Yassi ang intrigang siya umano ang dahilan kung bakit umalis ng bansa si Julia.

Matapos ang dalawang araw, noong March 31, saka nga lumabas ang cryptic posts ni Yassi sa Instagram.

Kabilang na rito ang ibinahagi niyang litrato ng baso na may tama ng bala ng baril.

Bahagi ng caption ni Yassi ay isang quote na nagsasabing: "i'll use this glass to catch the bullet you shoot at me, and from a distance watch me sit and drink."

Continue reading below ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman reacts to netizen's comment that she is trying to steal Coco Martin's attention away from Julia Montes.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results