AC Bonifacio, Kyle Echarri mourn murdered Karen Hernandez

by Rachelle Siazon
Apr 10, 2019
AC Bonifacio (in striped top), Kyle Echarri (in gray shirt) join Darren Espanto in mourning the murder of former road manager Karen Hernandez (wearing specs).
PHOTO/S: AC Bonifacio & Kyle Echarri's Facebook

Nagluluksa ang Playhouse actress na si AC Bonifacio at The Voice Kids Season 2 contestant na si Kyle Echarri sa pagkamatay ng former road manager nilang si Karen Hernandez, a.k.a. Carmencita Pelayo.

Natagpuan si Karen na tadtad ng saksak sa katawan at may sugat sa ulo sa isang bahay sa Mabalacat City, Pampanga noong umaga ng April 8.

Magkasamang pinaslang si Karen at kaibigan nitong si Karren Gueverra.

Ang pinaghihinalaang suspek sa double murder ay kaibigan din ng dalawang biktima.

Sa gitna ng balita, nagpahayag ng mensahe ang singers na sina AC, 16, at Kyle, 15, para sa namayapang si Karen.

Katrabaho raw ni AC si Karen sa Ivory Music, kunsaan nagtatrabaho ito bilang marketing and events executive ang biktima ng pagpaslang.

CHEERFUL COLLEAGUE

Hindi raw malilimutan ni AC kung gaano kasipag at kasiglang katrabaho si Karen.

"im still in shock with what happened ate karen. I cant believe it at all.

Continue reading below ↓

"I started with ivory just last year and we always got to be with eachother for promos and mallshows but we especially got close when we were working on my 16th birthday concert.

"You really helped me when i thought i wouldnt be able to do it. and incorporated my ideas with all of yours."

Madali raw silang nagkagaanan ng loob.

"You were always cheering me up especially during rehearsals kahit nasstress na po kayo."

"and for some reason i always remember on my birthday when u lead me into the other room to surprise me."

Kuwento pa ni AC, kamakailan lang ay sobrang excited pa ni Karen nang malamang nominated sa MYX Music Awards ang Kapamilya singer-actress.

"when we last saw each other we were so happy because i was nominated in 2 categories and we just were so excited for the event mismo because we and the ivory team have been working so hard with my music and all.

Continue reading below ↓

"You always work so hard ate karen and i know you were getting stressed sometimes but you always had a smile on your face ALWAYS.

"thank you for being my family and taking care of me. may you rest in peace ate karen. We miss you and love you so much."

Kalakip ng Facebook post ni AC kahapon, April 9, ang ilang litrato niya kasama si Karen.

Continue reading below ↓

JUSTICE FOR KAREN

Nakatrabaho naman ni Kyle si Karen noong panahong road manager pa ito sa MCA Music.

Sa hiwalay na Facebook post ni Kyle kahapon, ipinahayag niya ang pagkagimbal sa trahedyang sinapit ni Karen.

Ipinakita rin ni Kyle ang litrato kunsaan mahigpit niyang niyakap si Karen noong nag-resign ito bilang road manager sa MCA Music.

Madamdaming kuwento ni Kyle: "I remember this day like it was yesterday. You bid goodbye to explore better opportunities, we were sad, but back then we knew we’d see each other again.

"Yesterday you left without saying farewell, not your choice, it’s tragic, and we still can’t believe this is how it ends.

"I am grateful to have met someone like you, so genuine and caring.

"I may not have spent much time with you but those times I did, it was more than just work, I found an Ate in you.

"Thank you for always making me feel at ease & cared for."

Continue reading below ↓

Hiling din ni Kyle, sana ay makamit ng pamilya ni Karen ang hustisya sa pagkamatay nito.

"Adieu Ate Karen. I am a firm believer of fate but what happened to you have left me with so many questions.

"But for whatever it is that this tragedy imparts, I pray that your story, along with others who had the same kismet, will be an eye-opener for all of us of the realities we are now faced and may it drive us to do something to help make this world a better place to live in.

"I will miss you Ate Karen."

Continue reading below ↓

DOUBLE MURDER CASE

Una nang naiulat na kinilalang "Regine" ang kasamang kaibigan at siyang itinuturong prime suspect sa pagpaslang kina Karen Hernandez at Karren Guevarra.

Nakatakda umanong kasuhan ng double murder si Regine, na tumangging magbigay ng anumang pahayag sa pulisya.

Sa initial investigation ng awtoridad, lumalabas na "inconsistent" umano ang salaysay ng suspek na si Regine.

Sinabi raw ni Regine na nawalan siya ng malay nang paluin siya ng isang "unidentified male suspect."

"Nagtulug-tulogan" din umano si Regine kaya raw ito nakaligtas.

Pero ayon sa pulisya ay kaduda-duda raw ang kuwento ni Regine, pati na ang natagpuang "self-inflicted" na galos sa katawan nito.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AC Bonifacio (in striped top), Kyle Echarri (in gray shirt) join Darren Espanto in mourning the murder of former road manager Karen Hernandez (wearing specs).
PHOTO/S: AC Bonifacio & Kyle Echarri's Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results