Janella Salvador, dad Juan Miguel Salvador reveal how they reconnected

by Bernie V. Franco
Apr 12, 2019
It took 17 long years before Janella Salvador decided to finally reconnect with her father, singer Juan Miguel Salvador. (Right photo) Janella and Juan Miguel finally making up for lost time.
PHOTO/S: Noel Orsal / @superjanella

Matapos ang halos 17 taong pagkakawalay sa isa't isa, nag-reconnect si Janella Salvador, 21, at ama nitong si Juan Miguel Salvador, 55.

Naganap ito noong January 1, 2018.

Si Janella ay anak ni Juan Miguel sa singer-actress na si Jenine Desiderio, 48.

Hindi raw naging madali para kay Juan Miguel nang iwan niya si Janella, na noon ay magta-tatlong taon pa lang.

“At the beginning, it was a hard process for me also.

"Pero I saw it fit not to get her involved in the middle of a war.

“Mas maigi na bata pa lang siya, I don’t pretend na things are okay, and then she sees that.

“It was just right for me to leave at that point.

“Grabe! As in siguro lahat ng puwede kong iiyak, naiyak ko na,” pahayag ng veteran singer sa episode ng Magandang Buhay last week.

JANELLA AND JUAN MIGUEL RECONNECT

Nakakapag-usap naman daw ang mag-ama sa pamamagitan ng telepono sa tuwing may mga espesyal na okasyon.

Continue reading below ↓

Pero si Janella ang gumawa ng hakbang upang magkita sila nang personal.

Kuwento ng dalaga, “I was going through some stuff.

“That’s the moment I started living independently.

“Parang may voice lang in my head na, parang, I want to be able to reach out to my dad.

“We’re not getting any younger na rin, and I want to be able to have an entire lifetime to be able to know him pa.”

Nakipag-ugnayan daw si Janella sa kanyang tita na kapatid ni Juan Miguel.

“I told her I want to go to one of the reunions, kung saan andun siya palagi, na hindi ko pinupuntahan before.”

JUAN MIGUEL’S HESITATION

Pagbabahagi naman ni Juan Miguel, hindi siya sigurado kung handa na niyang makita si Janella noon.

“I was still hesitant at that point.

“I was telling myself, ‘Am I ready for it?’ I was not.

“Thank God, people starting whispering to me and saying na, 'Maybe God wants this. It’s the time to do this, so go for it.'

Continue reading below ↓

“So I called back my sister, I called her up again and sabi ko, ‘Sure, let’s do this. I want to see her tonight.’”

Bago mangyari ang pagkikita nilang mag-ama, kabado raw si Janella.

“Kinakabahan talaga ako nun. I’m very awkward. It was weird.

“Pag nagmi-meet ako ng bagong tao, I get so nervous and awkward.

“Hindi ako magaling sa social skills and it was weird because it’s my dad, but I was nervous. 'What am I gonna say?'”

Pero naging madali raw ang lahat nang magkita na sila.

Ayon kay Janella, “As soon as nagkita kami, he hugged me and it was so natural.

“Parang matagal na kaming magkakasama. We didn’t want it to be madrama.”

FATHER-DAUGHTER BONDING

Binabawi raw ngayon ng mag-ama ang mga panahong nawala sa kanila.

Bumibisita si Janella sa bahay ni Juan Miguel.

Nagbibigay rin daw ng mga payo si Juan Miguel sa anak.

Kuwento ng '80s singer, “Madalas, yung tatawag siya, ‘Are you guys home?’

Continue reading below ↓

"And then pag sinabi naming nasa bahay kami, pupunta siya.

“Minsan alam mo na agad, e, na may gusto siyang ikuwento na hindi niya mailabas basta sa phone, ‘no?

“When she does, we talk about it.”

Maging sa usaping puso raw ay nakakapag-open na si Janella sa ama.

Sabi ni Juan Miguel, “Actually, I’m very lenient pagdating sa usaping puso.

“Pero at the end of the day, nasa kanya na yun, e, when she wants to listen or not.

“She’s of age already. And I know she’s smart and I know she knows exactly what is right for her.

“Alam na niya yung gagawin niya pag sinabi ko na sa kanya yung advice ko.”

Noong November 2018 ay nag-post si Janella nang unang beses na nag-jam sila ng ama onstage.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It took 17 long years before Janella Salvador decided to finally reconnect with her father, singer Juan Miguel Salvador. (Right photo) Janella and Juan Miguel finally making up for lost time.
PHOTO/S: Noel Orsal / @superjanella
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results