Joyce Pring organizes surprise birthday party for Juancho Trivino

by Ruel J. Mendoza
Apr 14, 2019
Unang Hirit host Joyce Pring successfully pulled off her surprise birthday party for Juancho Trivino last April 6 at an undisclosed venue in Tagaytay City. Also present at the event were Juancho's family and close friends.
PHOTO/S: Instagram

Ramdam ng maraming netizens ang pagmamahalan ng mga Kapuso stars na sina Juancho Trivino at Joyce Pring, o mas kilala bilang #Juanchoyce sa GMA-7 morning show na Unang Hirit.

Noong nakaraang 26th birthday ni Juancho noong April 6, hindi niya inasahang bibigyan siya ng malaking surprise birthday party ni Joyce sa isang venue sa Tagaytay City.

Ayon kay Joyce, tahimik niyang in-organize ang surprise birthday party para kay Juancho dahil gusto niyang bumawi sa ginawa nitong surprise salubong sa kanya sa airport noong nakaraang April 2.

Pinost nga ni Juancho sa Instagram ang pagsalubong niya kay Joyce with matching banner na "Welcome Home Joyce."

Bahagi raw kasi ito ng kanyang #Panliligaw101.

Continue reading below ↓

Nakipagkuntsabahan si Joyce sa handler ni Juancho para kunwari ay may event itong ihu-host sa Tagaytay sa mismong araw ng birthday niya.

Pagdating ni Juancho sa venue, doon siya ginulat ni Joyce dahil para pala sa kanya ang event na iyon.

Napapunta ni Joyce ang pamilya at lahat ng kaibigan ni Juancho.

Heto ang post ni Juancho via Instagram:

Continue reading below ↓

Makikita sa pinost na video ni Juancho na very sweet sila ni Joyce na nagyayakapan, nagsusubuan ng cake at sumasayaw. Kaya ang wish ni Juancho sa birthday niya ay ang officially na sagutin na siya ni Joyce.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unang Hirit host Joyce Pring successfully pulled off her surprise birthday party for Juancho Trivino last April 6 at an undisclosed venue in Tagaytay City. Also present at the event were Juancho's family and close friends.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results