Boobay no plans of marrying non-showbiz boyfriend yet

by Arniel C. Serato
Apr 16, 2019
Boobay on relationship with non-showbiz boyfriend Kent Juan Resquir: "Kailangan continuous yung communication namin as much as possible. Tapos dapat maging understanding ka na may work siya doon, may work rin ako dito. So, kapag hindi ako nakakasagot sa kanya, naiintindihan niya."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @boobay7 on Instagram

Gumaganda ang takbo ng career ni Boobay dahil lumalaban sa ratings ang The Boobay And Tekla Show, ang late night Sunday show nila ng kapwa komedyanteng si Super Tekla sa GMA-7.

Katapat ng programa nila ang matatag nang Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda sa ABS-CBN.

Bukod dito, inspirado rin si Boobay dahil magsi-seven years na ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Kent Juan Resquir, isang physiotherapist.

Continue reading below ↓

Balak na ba nilang magpakasal?

Tugon ng comedian sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala pa namang ano... kasi nagpu-focus pa siya sa work niya sa Australia.

“Nasa Australia na siya, e. Two years na siya doon.”

Hindi raw naging mahirap para sa kanila ang distansiya dahil sa mga makabagong pamamaraan ng komunikasyon.

Kapag nagkakaroon ng pagkakataong magkita sila ay sinusulit daw nila ito.

Sabi pa niBoobay, “Basta tumagal kami ng six years. Magsi-seven years na, so alam niyo na.”

Paano nila pinapaligaya ang isa’t isa?

Seryosong tugon ni Boobay, “Paano nagpapaligaya?

“Like, ngayon ang layu-layo namin.

“Kailangan continuous yung communication namin as much as possible.

"'Tapos dapat maging understanding ka na may work siya doon, may work rin ako dito.

"So, kapag hindi ako nakakasagot sa kanya, naiintindihan niya.

“Hindi yung eme-eme, galit-galitan, ganun.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay on relationship with non-showbiz boyfriend Kent Juan Resquir: "Kailangan continuous yung communication namin as much as possible. Tapos dapat maging understanding ka na may work siya doon, may work rin ako dito. So, kapag hindi ako nakakasagot sa kanya, naiintindihan niya."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @boobay7 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results