Agot Isidro defends boyfriend Pilo Hilbay after President Rodrigo Duterte called him gay

by Bernie V. Franco
Apr 17, 2019
Agot Isidro and her lawyer-boyfriend Pilo Hilbay (left photo) quash President Rodrigo Duterte's (right) accusation pertaining to senatorial candidate's sexual orientation.
PHOTO/S: @agot_isidro on Twitter / Grabbed from RTVM

Nag-react ang aktres na si Agot Isidro at boyfriend nitong si Florin “Pilo” Hilbay matapos akusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na "bakla" umano ang boyfriend ng aktres.

Binitawan ng pangulo ang kanyang akusasyon laban kay Hilbay sa kanyang speech, sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban, sa Cagayan, nitong Martes, April 16.

Si Hilbay ay kumakandidatong senador, sa ilalim ng oposisyon o Otso Diretso coalition, para sa May 2019 elections.

"Florin Hilbay is a lawyer. But he’s gay. His girlfriend is Igot Isidro.

"They’re always together. Agot rather, not Igot," sabi ng Pangulo sa kanyang speech.

Nilinaw ng pangulo na wala siyang isyu sa mga miyembro ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer or questioning, intersex, and asexual or allied) community.

Pero tinawag niyang "bully" ang magkasintahan dahil sa pagiging kritiko umano ng mga ito sa pangulo.

"I don’t have a problem with gays, but this particular gay is a bully," sabi ni President Duterte.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "They always criticize me, Hilbay and Agot, until they ended up being couple."

Kinuwestiyon din ng pangulo ang mga nagawa ni Hilbay nang magsilbi siyang solicitor general.

AGOT AND HILBAY SLAM DUTERTE

Mariing pinabulaanan nina Agot at Hilbay ang akusasyon ng pangulo tungkol sa kanilang sexual orientation.

Ngayong Miyerkules ng umaga, April 17, idinaan sa Twitter ng magkasintahan ang kanilang reaksyon.

Pagtatanggol ni Agot sa kanyang kasintahan: "Straight po sya. Straight din ako. Straight kami."

Banat pa ng aktres, "At issue ba talaga ang gender? #LGBTQIA supporter ako, naniniwala na ang gender ay walang kinalaman sa integridad ng isang tao.

"Pero ang pagmumura at pagpatay, we’ll that’s a different story."

Continue reading below ↓

Ipinost pa ng aktres ang larawan nila ng boyfriend.

Simpleng caption ni Agot rito ay "KEBS" o gay lingo na ang ibig sabihin ay walang pakialam o hindi apektado.

Nag-tweet din ng kanyang official statement si Hilbay sa kanyang Twitter account, bilang reaksyon sa akusasyon ng Pangulo.

"President Duterte accused me of being gay, and of using @agot_isidro as beard.

Continue reading below ↓

"Hindi ako na-inform na sumasideline pala siyang chismoso sa kanto. Daming free time, ser?," tweet ng senatorial candidate.

NOT AN ALLY OF LGBT COMMUNITY

May patutsada rin si Hilbay sa umano'y "bigotry" ng pangulo.

"And to use sexuality as an insult? He's no LGBTQIA ally, cyst."

Bahagi pa ng official statement ni Hilbay, "If Duterte is a real LGBTQIA ally, he would know that coming out is the most personal and momentous decision an LGBTQIA person could make.

"His display of bigotry is the reason why people choose to hide in the shadows, living in fear, instead of accepting their personal truth."

Continue reading below ↓

Hindi ito ang unang beses na kinuwestiyon ng pangulo ang sekswalidad ni Hilbay.

Una niyang kinuwestiyon ang kasarian ni Hilbay sa kanyang speech sa Koronadal City, South Cotabato noong March 26.

Sumagot noon via Twitter si Hilbay:

"Sir, lalake po, na naniniwalang hindi kabawasan ang maging member ng LGBT. Pahinga na, sir.

"Salamat sa special mention, pero gabi na.

"Wishing you lots of rest."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agot Isidro and her lawyer-boyfriend Pilo Hilbay (left photo) quash President Rodrigo Duterte's (right) accusation pertaining to senatorial candidate's sexual orientation.
PHOTO/S: @agot_isidro on Twitter / Grabbed from RTVM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results