Kris Aquino accepts message of sympathy from Jim Paredes

by Arniel C. Serato
Apr 17, 2019
Kris Aquino accepts message of sympathy from Jim Paredes on Instagram.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban / Jim Paredes on Facebook

Nakisimpatiya ang beteranong singer na si Jim Paredes sa pinagdaraanan ngayon ni Kris Aquino.

Sabi ng 67-year-old singer, na kilalang supporter ng mga Aquino: “Bless you and your fam, Kris. Sending hugs.”

Sanga-sanga ngayon ang legal cases ni Kris laban sa magkapatid na Nicko at Jess Falcis, kasama na ang Grave Threat complaint laban sa kanya ng Falcis brothers, dala ng phone call sa pagitan ni Kris at ni Nicko kunsaan maririnig na sinabi ng web star na ipapatay si Nicko ng pamilya Aquino.

May pinagdaraanan din si Jim sa kasalukuyan. Nasangkot siya kamailan lang sa isang sex-video scandal.

Nag-ugat naman ang pakikisimpatiya ni Jim kay Kris sa panibagong Instagram post ni Kris kagabi, April 16.

Dito ay sinabi ni Kris na nabuo muli ang kanyang pamilya, matapos ng isang taong hindi nila pagkikibuan ng kuya niyang si dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III, matapos kalabanin ni Kris ang dati nilang kakampi sa Liberal Party (LP) na si Caloocan Second District Congressman Edgar Erice.

Continue reading below ↓

Nag-ugat ito sa sinabi ng mambabatas na baka raw natalo si dating Senador Mar Roxas kay dating Mayor Rodrigo Duterte noong 2016 presidential elections dahil sa kaugnayan ng senador sa Liberal Party, ang partido ni Noynoy.

Si Erice ay kasalukuyang campaign manager at spokesperson ni Mar, na muling tumatakbo sa pagka-senador nitong 2019 mid-term elections.

Dahil din sa pagsalag ni Kris sa mga binitawang salita ni Congressman Erice, naungkat tuloy ang kuwento noon na nagpatulong umano si Kris sa mambabatas upang makahanap ng “hired killers” upang "iligpit" ang magkapatid na Nicko at Jess Falcis na kaalitan ni Kris.

Mariin naman itong itinanggi ni Kris.

Bodyguard lamang daw ang kanyang pinapahanap kay Congressman Erice, at para lamang daw magbantay sa seguridad ng kanyang dalawang anak na sina Joshua Aquino, ang anak ni Kris kay Phillip Salvador, at Bimby Aquino-Yap, ang anak ni Kris kay James Yap.

FAMILY IS FOREVER

Sa post ni Kris, sinabi nitong nagkaayos na silang magkakapatid dahil kailangan nila ang isa’t-isa sa mga ganitong pagkakataon.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Kris sa kanyang post (published as is): "you were a blessing in disguise cong. Erice.

“Because of you & your candidate, our FAMILY has moved so much closer to becoming WHOLE again...

“hindi na kailangan maging divided between Team N and Team K, because more than any other family, alam namin how temporary power and political alliances can be, BUT the whole of Monday, my sisters & i communicated a TRUTH & a BOND shared by every other Filipino regardless of political affiliation: HINDI MO TINATALIKURAN ANG KADUGO MO.

“DAHIL SA UMPISA AT HULI, ANG HINDI MANGIIWAN SA YO- PAMILYA.

“Because nakita nila despite 1 year na hindi okay, nangibabaw na mahal ko si Noy at yun na nga, BAHALA NA SI BATMAN pero handang handa si bunso, na para sa kanya, sya na ang ituring na CATWOMAN.

“Dahil meron ngang FOREVER, and that is FAMILY.”

Continue reading below ↓

MESSAGE OF JIM PAREDES

Sa comments section ng post ni Kris nagpaabot ng kanyang simpatiya si Jim.

Tumugon naman kaagad si Kris sa mensahe ni Jim.

Ayon sa kanya, lahat naman daw tayo ay hindi perpekto at may mga nagagawang kamalian sa buhay.

Post ni Kris: "@jim paredes we are imperfect people BUT one thing unites us-we take responsibility for our wrongs and we protect our families from what they should not be blamed for.”

Continue reading below ↓

Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang naging viral sex-video ni Jim nitong nakaraang April 1, kung saan makikitang pinapaligaya nito ang sarili habang may kausap sa kabilang linya ng sex-video call.

Una'y tinawag ni Jim na peke ang sex video, ngunit kalauna'y inamin niyang siya ang nakikita rito.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagpu-post si Kris sa Instagram bagamat sinabi niya nitong nakaraang ilang araw lamang na lilisanin muna niya ang social media.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino accepts message of sympathy from Jim Paredes on Instagram.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban / Jim Paredes on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results