Jericho Rosales reveals reason for postponing baby plans

by Bernie V. Franco
Apr 19, 2019
Jericho Rosales on postponing baby plans: “Wala namang nagpe-pressure sa ‘ming magka-baby, kultura lang at tradisyon.”
PHOTO/S: Noel Orsal

"She’s the greatest blessing in my life," paglalarawan ni Jericho Rosales, 39, sa kanyang asawang si Kim Jones, 31, isang model at host.

Ikinasal ang dalawa noong May, 2014.

Malaking parte raw ng ipinagpapasalamat ni Jericho ay nauunawaan ni Kim ang kanyang passion sa trabaho dahil ganoon din si Kim.

"I'm so blessed to have a beautiful wife who actually has the same passion," sabi ng aktor sa finale presscon ng ABS-CBN prime-time teleseryeng Halik noong April 11.

Nagbabalak daw si Echo na mag-aral muli ng film at may kasunduan na silang mag-asawa.

"We talked about it already. She’s going to study, I’m going to study.

"She’s building a company. I’m rebuilding myself.

"And her job is abroad.

"We’ve had this set up for a very long time now.

"If she wants to study, if I want to study for three, four, five months, and magkita kami somewhere kung sang parte ng mundo, we’re fine with that."

Continue reading below ↓

POSTPONING BABY PLANS

Ang kani-kanilang career plans ang isa raw sa dahilan kung bakit ayaw muna nilang mag-baby ni Kim.

"This is the reason why we don’t want to have kids muna, because we feel that sa buhay namin, parang andaming umagaw ng mga gusto naming gawin sa buhay namin.

"Kaya parang bringing a baby into this world is not a good idea kasi kawawa ang baby.

"Papatayin namin ang mga pangarap namin dahil gusto namin mag-baby.

"Wala namang nagpe-pressure sa ‘ming magka-baby, kultura lang at tradisyon."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jericho Rosales on postponing baby plans: “Wala namang nagpe-pressure sa ‘ming magka-baby, kultura lang at tradisyon.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results