Maja Salvador feels like she and Rambo Nunez are a love team

by Melba R. Llanera
Apr 19, 2019
Maja Salvador on spending Holy Week break with boyfriend Rambo Nunez in the U.S.: "I think sa bawat relasyon naman, ang pinakaimportante is time."
PHOTO/S: @iammajasalvador / @rambonunez Instagram

Natutuwa si Maja Salvador dahil marami sa kanyang masugid na tagasuporta ang boto sa relasyon nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

Nagugulat nga raw si Rambo dahil bukod sa dumami ang followers nito sa social media ay updated ang netizens sa itinatakbo ng kanilang blooming romance.

"Nagugulat siya kung ilan na ang followers niya," bungad ni Maja.

"Tapos natatawa siya kapag halimbawa, hindi niya ako pino-post, may mga comments daw na, 'LQ ba kayo ni Ate Maja?' Parang may ganun."

Ang LQ ay acronym para sa lover's quarrel.

"Parang, 'Hala, bakit ganun sila?' Isa yun sa mga topic namin minsan.

Nagbibirong sabi pa ng Kapamilya actress, "Feeling namin love team kami! May tutok sa relationship namin."

May ilang bashers na rin daw si Rambo pero binabalewala lang daw ito ng binata.

"Deadma siya," kibit-balikat ni Maja.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Maja sa Dance Xchange press conference, noong April 11.

Continue reading below ↓

Pinakilala rin siya roon bilang Dance Ambassador ng National Commission for Culture and Arts (NCCA).

HAVING A NON-SHOWBIZ BOYFRIEND

Naging bukas man daw si Maja tungkol sa kanyang love life, gusto pa rin niyang manatiling pribado ang ibagay tungkol sa kanila ng nobyo.

Lalo na't hindi naman daw taga-showbiz si Rambo.

"Ako naman pag may boyfriend naman, hindi naman ako nagbibigay ng detalye talaga.

"Pinipili ko na maging tahimik. Oo, public figure ako, but as much as possible, ayokong magbigay ng detalye kasi sa akin na lang.

"Pero at least hindi ako maramot ngayon sa pagsi-share kung gaano ako ka-happy."

HER MOM APPROVES OF RAMBO

Masaya rin si Maja na maganda ang relasyon niya sa pamilya ng boyfriend.

At kung gaano raw kainit ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Rambo, ganoon din naman daw ang ina ng aktres sa binata.

"Ay, yung mommy ko, oo! Bawal kaming lumabas na wala siya," natatawang kuwento ni Maja.

Continue reading below ↓

"Kunwari yayayain ko ang Mommy ko, 'Ma, dinner tayo.' Tapos tatanungin niya, 'Kasama si..?'

"'Ay, hindi.' Sasabihin niya, 'Ay, huwag, magpahinga ka na lang.'

"Gusto kong sabihin sa nanay ko, 'Ako ba yung anak mo o siya?'"

U.S. VACATION

Nabanggit din ni Maja ang tungkol sa pagbabakasyon nila ni Rambo sa U.S. ngayong Semana Santa.

Sang-ayon ang aktres na ang magkasamang pagta-travel ng isang magkasintahan ay nakakatulong para lumalim ang isang relasyon.

"Bakasyon? Pupunta ako sa U.S. Kasama si Rambo? Of course.

"I think sa bawat relasyon naman, ang pinakaimportante is time."

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Maja Salvador
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador on spending Holy Week break with boyfriend Rambo Nunez in the U.S.: "I think sa bawat relasyon naman, ang pinakaimportante is time."
PHOTO/S: @iammajasalvador / @rambonunez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results