Tinawanan lang ni Barbie Imperial ang netizens na binabatikos ang kanyang pangangatawan, partikular na ang kanyang boobs.
Kasabay ito nang ibinahagi niyang sexy swimsuit photos sa kanyang Instagram at Twitter accounts, Huwebes ng hapon, April 18.
Dito ay makikitang nakasuot ng swimsuit top at maong shorts ang Kapamilya actress sa isang beach.
Marami sa mga tagasuporta ni Barbie ang naghayag ng paghanga sa kanyang sexy photos, pero may ilan ding netizens ang nag-iwan ng malisyosong mga komento patungkol sa aktres.
Isa rito ay pinuna ang hindi raw pantay na boobs ni Barbie.

Hindi nagpatinag si Barbie sa kanyang detractors.
Sa halip ay diretsahan siyang nag-tweet nito: "Bakit pati di pantay na dede sobrang big deal..."
Kalakip nito ang cold sweat at laughing-with-tears emojis.

Dinepensahan din si Barbie ng kanyang Instagram followers mula sa ibang kritiko ng aktres.
Narito ang kanilang comments:

