Regine Velasquez slams Teddy Boy Locsin over clam comment

by Arniel C. Serato
Apr 20, 2019
Regine Velasquez on DFA Secretary Teddy Boy Locsin's tweet about Chinese fishermen illegally poaching giant clams in Scarborough Shoal: "These people are invading our territory they are not just taking food sinistral nila ang ating karagatan!!!!"
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Teddy Boy Locsin on Twitter

Hindi pinalampas ni Asia's Songbird Regine Velasquez ang tweet ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin tungkol sa giant clams na illegal na inani umano ng Chinese fishermen sa Scarborough Shoal.

Diumano, ibinibenta raw ng Chinese fishermen ang mga nakukuha nilang mga higanteng taklobo sa shoal.

Dahil sa kanilang maramihang pangunguha ng giant clams, nasisira rin umano nila ang reefs at corals doon.

Kaugnay nito, naging kontrobersyal ang pahayag ni Locsin na hindi umano makikipag-giyera ang alinmang bansa para lamang sa mga higanteng taklobo.

Tweet ni Locsin noong April 16: "I am not going down in history as a clam defender, okay?

"It's a complaint; we're looking into it;

"but these are just fucking food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be OUR food.

"They should pay for them like in fish market."

Isa si Regine sa mga artistang umalma sa umano'y pagsasawalang-bahala ni Locsin sa isyu.

Continue reading below ↓

Sabi ng ASAP Natin ‘To star na si Regine, hindi lang ito tungkol sa pagkain kundi sa teritoryo ng Pilipinas na unti-unting sinasakop ng China.

Lalo pa't isa raw itong seryosong problema na matagal nang inilalaban ng bansa.

Diretsahang sagot ni Regine kay Locsin: "Ang akala ko pa naman matalino ka.

"Ako ay simpling tao lamang na may simpleng pagiisip.

"These people are invading our territory they are not just taking food sinistral nila ang ating karagatan!!!!"

Continue reading below ↓

Tumugon din kay Regine ang DFA secretary.

Sabi nito, "Pero ang problem ay hindi po territorio natin yun. EEZ."

Sa ilalim ng Republic Act 9522 o ang Philippine Baselines Law, ang Scarborough Shoal ay bahagi ng teritoryo ng bansa.

Nakasaad sa Section 2 ng nasabing batas: "The baseline in the following areas over which the Philippines likewise exercises sovereignty and jurisdiction shall be determined as 'Regime of Islands' under the Republic of the Philippines consistent with Article 121 of the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS):

Continue reading below ↓

"1. a) The Kalayaan Island Group as constituted under Presidential Decree No. 1596; and

"1. b) Bajo de Masinloc, also known as Scarborough Shoal."

REGINE REPLIES TO CRITICS

Samantala, hati ang reaksiyon ng netizens sa pagbatikos ni Regine kay Locsin.

Isa sa netizens na hindi sang-ayon sa naging pahayag ng singer ang kumontra na "invasion" ang napabalitang maramihang panghuhuli ng clams ng Chinese fishermen sa bansa.

Tweet ni @AntonioDujua kay Regine: "Tama ka. Simple lamang ang pagiisip mo.

"Pls look up the meaning of 'invasion' in a dictionary if you have one.

"I am sure that even if you are already a has-been singer, you can still afford to buy a second hand dictionary sa Recto Ave."

Sinagot ni Regine ang netizen at sinabing ang pangunguha ng clams na pag-aari ng bansa ay isang uri rin ng invasion.

Tweet Regine: "TRESPASS, ENCROACH, INFRINGE, INVADE mean to make inroads upon the property, territory, or rights of another.

Continue reading below ↓

"TRESPASS implies an unwarranted or unlawful intrusion. hunters trespassing on farmland

"ENCROACH suggests gradual or stealthy entrance upon another's territory or usurpation of another's rights or possessions.

"the encroaching settlers displacing the native peoples INFRINGE implies an encroachment clearly violating a right or prerogative. infringing a copyright INVADE."

"INVADE implies a hostile and injurious entry into the territory or sphere of another. accused of invading their privacy.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Narito pa ang ilang tweets na bumabatikos sa Kapamilya singer-actress:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

SUPPORT FOR REGINE

Kung may mga hindi sang-ayon sa Asia's Songbird, meron ding naghayag ng suporta sa pakikipagdebate niya hinggil sa isyung pangunguha ng clams ng Chinese fishermen sa teritoryo ng bansa.

Kabilang sa mga ito ang kapwa-singer ni Regine na si Agot Isidro, na ni-repost pa ang tweet ng Asia's Songbird.

Tweet ni Agot, "Once a Queen, always a Queen."

Continue reading below ↓

Narito pa ang ilang papuri ng netizens kay Regine:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez on DFA Secretary Teddy Boy Locsin's tweet about Chinese fishermen illegally poaching giant clams in Scarborough Shoal: "These people are invading our territory they are not just taking food sinistral nila ang ating karagatan!!!!"
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Teddy Boy Locsin on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results