Coco Martin, Yassi Pressman cozy in Japan amid romance rumors

by Rachelle Siazon
Apr 20, 2019
Amid romance rumors, Coco Martin still remains close to FPJ's Ang Probinsyano leading lady Yassi Pressman.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang umano'y pag-aalaga ni Coco Martin kay Yassi Pressman habang namamasyal sila sa Japan.

Si Yassi ay halos tatlong taon nang leading lady ni Coco sa ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Noong April 18 lumipad ng Japan sina Coco, Yassi, at iba pang cast members ng show para sa dadaluhan nilang show na Kapamilya Fiesta World Japan, na gaganapin bukas, April 21.

Base sa pangtrabahong Instagram account ni Coco na @cocomartin_ph, nagkaroon ng pagkakataon ang kanilang grupo na lumibot sa Asakusa Temple sa Tokyo, Japan, kahapon, April 19.

Dito napansin ng netizens ang sunud-sunod na posts kung saan makikitang tila sweet si Coco kay Yassi.

Sa isang litrato, tila tinutulungan ni Coco na ayusin ang mga dala-dalang gamit ni Yassi.

Hindi maiwasang bigyang-pansin ang sweet gesture ni Coco lalo pa't kamakailan lang ay naungkat ang espekulasyong may namumuo diumanong magandang pagtitinginan sa pagitan ng aktor at ni Yassi.

Continue reading below ↓

May hiwalay ding video na nakabandera ang pag-akbay ni Coco kay Yassi habang kinukunan sila ng litrato ng kapatid ng aktres na si Issa Pressman.

Continue reading below ↓

KILIG REACTIONS

Marami sa mga tagasuporta ng tambalan nina Coco at Yassi ang kinilig at naghinalang totohanan na raw ang ugnayan ng dalawa.

Narito ang reaksiyon ng netizens:

Continue reading below ↓

THE ISSUE

Sa kabilang banda, una nang nabalita ang tungkol sa panganganak ng aktres na si Julia Montes at ang itinuturong ama ay si Coco.

April 1 nang umugong ang blind item mula sa showbiz insiders tungkol sa isang aktres na sinasabing nasa ibang bansa pero lumalabas na nanganak sa isang ospital sa San Juan.

Continue reading below ↓

Sa comments section, nagsihulaan ang mga netizens at panay sina Julia at Coco ang binabanggit.

Sa hiwalay na ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 8, nakasaad na ilang industry insiders ang nagsabing nanganak na si Julia at si Coco ang ama.

Diumano, hindi raw maamin-amin ni Coco ang tungkol dito "dahil mayroon na itong ibang napupusuan, at nangangamba itong makasira ang balita sa bagong relasyon."

Parehong tahimik ang kampo nina Coco at Julia sa isyu.

Sa parte ni Yassi, noon ding April 8 ay may sinagot siyang netizen na inakusahan siyang third party sa ugnayang Coco at Julia.

Sinabi ni Yassi na hindi welcome sa kanyang Instagram feed ang anumang negatibong comments.

Nasundan ito ng cryptic posts ni Yassi tungkol sa kanyang pagbabakasyon sa Palawan upang maibsan daw ang pinagdadaanan niyang problema. Kung ano man ito ay hindi naman binanggit ng aktres.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid romance rumors, Coco Martin still remains close to FPJ's Ang Probinsyano leading lady Yassi Pressman.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results