Nar Cabico recalls initial shock upon bagging first Best Actor award

by Ruel J. Mendoza
Apr 20, 2019
Nar Cabico (center, with co-winners Angela Cortez and Sylvia Sanchez during the recent Sinag Maynila 2019 awards night) recalls his initial shock upon winning his very first Best Actor award: “Totoo pala na para kang lumulutang sa ulap at wala kang ibang naririnig kundi boses mo."
PHOTO/S: Jerry Olea

Hindi raw inaasahan ng Kapuso singer-comedian na si Nar Cabico na mananalo siya agad ng Best Actor award.

Nakamit niya ang kauna-unahan niyang Best Actor award sa Sinag Maynila 2019 para sa pelikulang Akin Ang Korona.

Noong pasukin nga raw niya ang showbiz noong 2016 pagkatapos ng ilang taong paglabas sa theater musicals, isa sa wish ni Nar ay manalo ng Best Actor award.

“Isa yun sa mga ambisyon ko when I decided to go full time sa pag-arte.

“Siyempre, isa sa pangarap ng kahit sino na pumasok sa showbiz ay ang manalo ng award, di ba?

“Sa pagiging musician ko, nakatanggap na ako ng recognition. So sa acting naman sana.

“Kaya laking gulat at tuwa ko noong ipagkaloob sa akin ng Sinag Maynila my very first acting award,” kuwento ni Nar sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng GMA Primetime teleserye na Love You Two.

Continue reading below ↓

DELAYED MOVIE RELEASE

Ayon kay Nar, two years ago pa raw niya ginawa ang pelikulang Akin Ang Korona.

Noong bigla raw pumanaw ang kanilang line producer dahil sa cancer, wala na siyang nabalitaan tungkol sa pelikulang ginawa niya

Lahad niya, “Matagal na nga ang movie na yan and akala ko hindi na siya maipapalabas.

“Hanggang sa tinawagan ako for a press conference at nalaman ko na gagawin na siyang entry sa Sinag Maynila.

“Natuwa naman ako kasi puwede pa yung movie namin kahit na two years old na siya.”

AWARDS NIGHT JITTERS

Noong dumalo raw si Nar sa awards night, hindi raw siya umaasang manalo.

“Nabasa ko kasi ang mga reviews ng movie and they were saying na I deserve to win an award.

“Kahit na doon sa venue ng awards night, people were rooting for me to win.

“Si Sylvia Sanchez nga, sinabi sa akin na mananalo ako.

“Ako naman, natuwa ako sa mga sinasabi nila, pero wala pa rin akong expectations kasi malalakas ang mga kalaban ko.

Continue reading below ↓

“Until sa tinawag na ang name ko, para akong namanhid.

“Totoo pala na para kang lumulutang sa ulap at wala kang ibang naririnig kundi boses mo.

“Muntik na akong umiyak sa harapan ng maraming tao, pero kinompose ko pa rin ang sarili ko.

“Ayoko kasing may makalimutan akong pasalamatan since first acting award ko iyon,” kuwento pa niya.

THANKFUL TO JENNYLYN

Nagpapasalamat si Nar sa best friend niyang si Jennylyn Mercado dahil nagpa-block screening pa ito ng Akin Ang Korona.

“Mas lalo kong minahal si Jenn sa mga ginagawang yan sa akin.

“Hindi ko siya hiningi pero sinusorpresa niya ako talaga.

“Isa siyang tunay na kaibigan talaga,” pagmamalaki niya.

Naging malapit na magkaibigan sina Nar at Jenn pagkatapos nilang magsama sa teleseryeng My Love From The Star.

Naging bonding daw nila ang music, dahil pareho silang mahilig kumanta at makinig ng mga lumang kanta.

Naging hingahan na rin daw si Nar ni Jennylyn ng mga problema nito at pinagtiwalaan siya ni Jenn ng kanyang personal secrets.

Continue reading below ↓

“Ilang beses na kaming nag-iyakan ni Jenn kapag may isang topic kaming napag-uusapan.

“Mas naging special ang friendship namin kasi she put her trust in me.

“Knowing someone like her, hindi siya basta-basta nagse-share ng mga bagay-bagay sa buhay niya.

“Kaya nagpapasalamat ako kay Jen for being honest with me and for trusting me sa ilang mga sikreto niya.

“May pact kami na walang lalabas sa mga naging private talks namin,” diin pa ni Nar.

SONG FOR JENN

Kaya sa digital album na gagawin ni Nar under GMA Music, nais niyang magsama ng isang friendship song na dedicated kay Jenn.

“Gusto ko may isang friendship song kami doon ni Jenn.

“Parang tribute ko na iyon sa kanya for being a presence in my life,” pahabol pa niya.

U.S. VACATION

Nitong nakaraang Holy Week, nagbakasyon for ten days sa U.S. si Nar kasama ang kanyang U.S.-based husband na si VJ Capule.

Continue reading below ↓

Iyon lang daw ang pagkakataon na makaka-bonding nito ang pamilya ng kanyang mister at i-celebrate ang pagkapanalo niya ng Best Actor award.

Saad niya, “More than six months kaming hindi nagkita at puro Skype lang kami.

“Naging busy kami sa mga trabaho namin, kaya I made it a point na sa Holy Week ay makakasama ko siya.”

Pinost nga ni Nar via Instagram ang happy moments nila ni VJ sa Amerika.

“We will make use of our time together ngayong bakasyon bago ako bumalik ng Pilipinas para magtrabaho ulit sa teleserye namin na Love You Two,” pagtatapos niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nar Cabico (center, with co-winners Angela Cortez and Sylvia Sanchez during the recent Sinag Maynila 2019 awards night) recalls his initial shock upon winning his very first Best Actor award: “Totoo pala na para kang lumulutang sa ulap at wala kang ibang naririnig kundi boses mo."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results