Jennylyn Mercado proud of Yasmien Kurdi's academic achievement

by Rommel Gonzales
Apr 21, 2019
Jennylyn Mercado on StarStruck batchmate Yasmien Kurdi who recently graduated magna cum laude from Arellano University: “Napakasipag niya! Kasi sa totoo lang, napakahirap pagsabayin ng pag-aaral at tsaka pagte-taping. Kaya sobrang proud ako sa kanya!"
PHOTO/S: Noel Orsal

“Naku, grabe naman!

“Siyempre flattered naman ako,” ang reaksyon ni Jennylyn Mercado nang banggitin sa kanya ang sinabi ni Gabby Concepcion na parang tumama sa lotto ang aktor ngayong kapareha niya si Jennlyn sa Love You Two na bagong show ng GMA-7.

“Tsaka di ba, Gabby Concepcion yun?”

Magkapareha sina Jennyln (as Raffy) at Gabby (as Jake) sa Love You Two.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn nitong nakaraang April 11 sa Studio 7 ng GMA Annex Building sa grand mediacon ng Love You Two na eere na simula bukas, April 22, sa GMA.

May eksena sa naturang Kapuso series kung saan nag-propose si Jennylyn (as Raffy) kay Theo (played by model/actor Clint Bondad) pero ni-reject siya nito.

Sa tunay na buhay ba ay kaya ni Jennylyn na mag-propose sa isang lalaki?

In her case, kaya ba niyang mag-propose sa boyfriend niyang si Dennis Trillo?

Pag-amin niya, “Parang hindi ko yata kaya.”

Continue reading below ↓

May mga babaeng gumagawa ng ganun, pero si Jennylyn ay hindi raw niya iyon kaya.

Mag gusto pa rin daw ni Jennylyn na ang lalaki ang magpo-propose sa babae.

Lahad niya, “Oo naman!”

Sa direksyon ni Irene Villamor, nasa Love You Two rin sina Shaira Diaz (as Sam) Solenn Heussaff (as Lianne), Jerald Napoles (as Harrison), Nar Cabico (as Migs), Yasser Marta (as Edison) at Michelle Dee (as Mochi).

PROUD OF YASMIEN'S ACADEMIC ACHIEVEMENT

Hiningan naman namin ng reaksyon si Jennylyn sa pagtatapos ni Yasmien Kurdi bilang magna cum laude sa kolehiyo.

Nitong nakaraang April 6 ay nakamit ni Yasmien ang kanyang diploma sa kursong Political Science mula sa Arellano University.

Continue reading below ↓

“Ang galing!” ang pumapalakpak na bulalas ni Jennylyn.

“Sobrang proud ako sa kanya.

“Nagkaka-text kami, palagi kaming nagkaka-message-an.

“Napakasipag niya!

“Kasi sa totoo lang, napakahirap pagsabayin ng pag-aaral at tsaka pagte-taping.

“Kasi ako, pagka nag-taping, kinabukasan talagang hihiga na lang ako sa sobrang pagod!

“Pero siya nagre-review, pumapasok sa school.

“Kaya sobrang proud ako sa kanya.”

Si Jennylyn ang pinakaunang Ultimate Female Survivor ng StarStruck at si Yasmien ang First Princess niya sa unang season ng naturang artista search ng GMA noong 2003.

Male counterparts nila sina Mark Herras at Rainier Castillo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado on StarStruck batchmate Yasmien Kurdi who recently graduated magna cum laude from Arellano University: “Napakasipag niya! Kasi sa totoo lang, napakahirap pagsabayin ng pag-aaral at tsaka pagte-taping. Kaya sobrang proud ako sa kanya!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results