Aiko Melendez prays for victory of ex-husband Jomari Yllana, boyfriend Jay Khonghun

by Glenn Regondola
Apr 24, 2019
Aiko Melendez is all-out support for boyfriend Jay Konghun (left) and former husband Jomari Yllana (right), who are both running this mid-term elections.
PHOTO/S: Photos from Instagram

Ayon kay Aiko Melendez, ang unang nasa isip nila ng boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun ay ang mga kababayan nila sa Zambales nang maganap ang malakas na lindol sa Pilipinas noong April 22, lalo na nga’t ang isa sa tinamaan nito ay ang Castillejos, Zambales.

Kasalukuyang naglilibot ang mag-partner bilang bahagi ng kampanya ni Mayor Jay, na tumatakbo bilang vice governor ng Zambales sa mid-term elections ngayong 2019.

Sa pamamagitan ng private messaging ngayong Miyerkules, April 24, ay ibinahagi ni Aiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang saloobin tungkol sa nangyaring kalamidad.

Lahad niya, “Nangangampanya pa kami noon ni Jay nang maramdaman namin ang lindol.

“Bukod sa aming sarili, ang unang nasa isip namin ay ang mga kababayan niyang mga taga-Zambales.

“Siyempre kapag natural calamity na, iba rin yun, di ba?

“Mga bagay na hindi natin inaasahan, pero dapat paghandaan.

“Siyempre, yung concern ang nangunguna sa atin.

“Usually, di ba, kung talagang gusto mong makatulong, ‘Others, before self’ muna tayo dapat, di ba?”

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat naman ang mag-partner dahil walang gaanong epekto ang lindol sa Zambales.

Aniya, “Ipinagpapasalamat namin sa Diyos dahil walang gaanong epekto ito sa amin.

“Pero bilang mayor pa rin ng Subic, nakaalerto ang 24-hour rescue team ni Jay.

“Si Jay at ang buong emergency rescue team niya, naka-monitor talaga ng 24 hours.

“Siyempre damay na rin ako kasi ano pa ba ang gagawin natin sa oras na yun kundi ang damayan sila?

“Thank God at wala namang untoward incident na nangyari.

“Yun na lang, malaking blessing na sa mga kakabayan ni Jay, at ipinagpapasalamat talaga niya ito.

“Kasama na rin siyempre dun sa pagdadasal sa mga naapektuhang lugar.”

Sino nga naman ang mag-aakalang pagkatapos ng Semana Santa, ito kaagad ang kasunod na pangyayari sa maraming lugar sa ating bansa.

WISHING JOMARI SUCCESS

May mga nagtatanong kay Aiko kung ikinampanya ng kanyang anak na si Andre ang ama nitong si Jomari Yllana, na tumatakbo bilang councilor ng Parañaque.

Continue reading below ↓

“Si Andre, nagkampanya rin para sa kanyang dad bago umalis pa-States.

“Both sides, nagkampanya siya.

“Nasa sa States na siya ngayon, and I’m missing him na agad.

“I’m praying both sa victory ng dalawa," pagtukoy ni Aiko kina Jay at Jomari.

Patuloy ng aktres, “Ang ratings ni Jay, kung hindi magbabago until May 13, nasa kamay na namin siguro ang victory.

“Alam naman kasi ng tao kung ano ang mga nagawa niya para sa kanyang mga kababayan, kung ano ang projects niya, kaya mahal siya ng mga ito.

“Alam nila ang credibility nito at, yun nga, we pray na siya na ang maging vice governor ng Zambales.”

OBSERVATION OF HOLY WEEK

Sa puntong ito, natanong ng PEP.ph kay Aiko kung paano nila ipinagdiwang ang Holy Week.

Saad ng 43-year-old actress, “Nag-rest kami buong family with Jay.

“Ayun, nag-staycation kami sa isang hotel and more bonding moments with Jay sa side ko naman.

Continue reading below ↓

“Yeah, may moments na nagpi-pray kami together, pero happy ako dahil we spent time sa side ko naman.

“Alam niyo naman na sa buong campaign period, nasa side ako lagi ni Jay.

"So, etong staycation, mga relatives ko naman ang ka-bonding niya.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez is all-out support for boyfriend Jay Konghun (left) and former husband Jomari Yllana (right), who are both running this mid-term elections.
PHOTO/S: Photos from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results