Janjep Carlos vows to do a Catriona Gray to win Mr. Gay World title

by Rommel Gonzales
Apr 25, 2019
Janjep Carlos: "Parang from day one, palaban na siya, so iyon ang plans ko pagdating sa South Africa, ready agad. I will surprise them with my ideas like what Catriona did."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ramdam na ni Janjep Carlos ang pressure bilang representative ng Pilipinas sa Mr. Gay World 2019 na gaganapin sa Cape Town, South Africa, sa May 4.

Si Janjep ang reigning Mr. Fahrenheit at Mr. Gay World Philippines.

“Sobrang nakaka-pressure, especially yung last delegate na ipinadala sa Mr. Gay World, who is John Raspado, siya yung nag-title.

“As you all know, most of the people expect too much from the Philippines, kasi we are now isa sa mga powerhouse pagdating sa pageantry.

“So, ang laking pressure para sa akin, kasi they expect too much from me," halatang ninenerbiyos pero nakangiting sabi ni Janjep.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Janjep sa presscon/send-off para sa kanya ng national director ng Mr. Gay-World Philippines na si Wilbert Tolentino nitong Martes, April 23.

Si Wilbert ang pinakaunang nagwagi ng Mr. Gay World-Philippines noong 2009.

Sa ngayon ay nasa ikalawang puwesto si Janjep sa Social Media Award ng Mr. World kung saan nangunguna si Mr. Hungary.

Continue reading below ↓

CHANNELING CATRIONA

Inspiration daw ni Janjep ang pagkapanalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018.

Kasama raw iyon sa kanyang game plan para masungkit ang Mr. Gay World.

Aniya, “Parang iyon ang magandang traits nating mga Pilipino pagdating sa pageantry.

“We always surprise them with our biggest ideas like what Catriona did.

Continue reading below ↓

“I won’t compare myself to John Raspado, siguro parang gagawin ko na lang inspiration yung ginawa ni Catriona.

“Parang from day one, palaban na siya, so iyon ang plans ko pagdating sa South Africa, ready agad.

“I will surprise them with my ideas like what Catriona did.

“From what she wore, from the way she spoke, everything... planado lahat.

“Ganun po yung ginagawa namin with the help of my mentor and our national director, boss Wilbert and KF, Kagandahang Flores camp.

“Talagang hinahanda nila ako para sa Mr. Gay World 2019.”

ADVOCACY

Isinusulong ni Janjep ang mental health bilang kanyang advocacy, at may hashtag itong #IllnessTo Wellness.

Sa tingin daw niya, makakatulong ang exposure niya sa Mr. Gay pageant para mapalawak pa ito.

Lahad ni Janjep, “Actually, right now, I am partnering with Mental Health PH, isa siyang organization promoting awareness about mental health through social media.

“So, sa tingin ko, magandang platform siya para sa akin para mai-push ko yung advocacy ko to spread awareness, especially about depression.

Continue reading below ↓

“It’s very timely and relevant, especially with the LGBT community.”

Nagkataon ding bago siya nahirang bilang Mr. Gay World-Philippines ay nakabisita si Janjep sa Cape Mental Health sa South Africa.

Isa itong mental rehabilitation facility para sa mahihirap na komunidad doon.

Kuwento niya, “I had the chance to visit Mental Health Cape Town para makita ko yung situation nila.

“Nakaka-inspire kasi pag nakita nyo yung mga taong nagdadaan sa depression, nakaka-touch, mas mapu-push mo yung advocacy mo.”

PERSONAL LIFE

Kahit openly gay si Janjep, may babaeng nagkakagusto pa rin daw sa kanya.

“There were cases na may mga babaeng very vocal sa nararamdaman nila sa akin, sinasabi nila.

“But ever since naman, hindi ako nagtago kung ano yung tunay kong pagkatao.

“So, sinasabi lang nila but they know na gay ako, so I don’t have to explain myself.”

Forty-one years old na si Janjep at pitong taon na raw sila ng gay partner niya.

Continue reading below ↓

Pareho raw silang gym-fit at mahilig mag-travel.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janjep Carlos: "Parang from day one, palaban na siya, so iyon ang plans ko pagdating sa South Africa, ready agad. I will surprise them with my ideas like what Catriona did."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results