Ogie Alcasid ends issue with Ben Tulfo who maligned Regine Velasquez

by Jojo Gabinete
Apr 25, 2019
Ben Tulfo (right) to Ogie Alcasid: "Tell your wife to focus on her career. Please, not Foreign relations and issues. I do respect you and your wife."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Tinapos na ni Ogie Alcasid ang isyu tungkol sa panghahamak ng hard-hitting broadcast journalist na si Ben Tulfo sa kanyang misis na si Regine Velasquez.

Ito ay nangyari sa pamamagitan ng palitan ng maayos na usapan, gamit ang micro-blogging platform na Twitter, kagabi, April 24.

Pinairal ni Ogie ang pagiging mabuting tao dahil pinasalamatan pa niya si Tulfo.

Binigyan din niya ng payo ang netizen na nagpahayag ng disappointment sa kanyang desisyon.

Nang malaman ni Ogie ang mga masasakit na salitang pinakawalan ni Tulfo laban kay Regine sa Facebook live post nito noong April 22, nag-tweet siya kahapon ng umaga ng ganito:

"Sir @bitagbentulfo, I offer my cheek to you. After you have maligned my wife I ask that you focus on me. She is after all a lady. God bless you sir."

Kinagabihan, nakatanggap si Ogie ng sagot mula kay Tulfo.

Sinabi ng komentarista na iginagalang nito ang mag-asawa, pero hindi niya binawi ang kanyang mga pahayag at hindi rin siya humingi ng paumanhin.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Tulfo: "I am not here to hurt anyone. I am talking with sincerity and truthfulness.

"this is a serious issue.

"Tell your wife to focus on her career. Please, not Foreign relations and issues.

"I do respect you and your wife."

Sagot dito ni Ogie: "Thank you for your reply and your sincere advice. I respect your view on these matters also. God bless you always.”

Continue reading below ↓

Sinagot din ni Ogie ang netizen na dismayado sa kabutihan na kanyang ipinamalas.

Reaksiyon ng netizen: "Sir Ogie, kala ko pagtanggol mo wife mo. Naniwala ka naman sa sinabi nya

"Nakita mo ba yung video!? Yun baa ng may respect??! Nakaka-disappoint ka. Haay."

Maikling paliwanag ni Ogie: "When you get a little older, you shall see the wisdom. God bless."

Continue reading below ↓

Nag-umpisa ang panghahamak ni Tulfo kay Regine dahil sa statement ng Asia's Songbird tungkol kay Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr.

Kinuwestiyon ni Regine ang hindi nito pakikialam sa Chinese fishermen na ilegal na nangunguha ng clams o halaan sa Scarborough Shoal.

Hindi lamang si Tulfo ang bumatikos kay Regine, pero dahil kilala at mas matapang na personalidad, ang mga komento niya laban sa singer ang napansin ng publiko.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ben Tulfo (right) to Ogie Alcasid: "Tell your wife to focus on her career. Please, not Foreign relations and issues. I do respect you and your wife."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results