Regine Velasquez explains controversial tweet to Teddy Locsin Jr.

by Bernie V. Franco
Apr 25, 2019
Regine Velasquez wants to end issue between her and Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nais ni Regine Velasquez na tapusin na ang isyu sa pagitan nila ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr.

Sa pamamagitan ng Twitter ngayong Huwebes ng umaga, April 25, nakiusap ang Asia's Songbird na huwag nang pahabain ang hindi nila pagkakaintindihan ni Locsin.

Una, nagpasalamat si Regine sa mga nagtanggol at sumuporta sa karapatan niyang ihayag ang kanyang saloobin.

“Hi guys, gusto ko lang magpasalamat sa pagtatanggol nyo sakin. Pero isan tabi na po natin Ito at humahaba na ng humaba.......

“Salamat sa pagtatanggol nyo sa ating karapatang ihayag ng malaya ang ating mga saloobin,” pahayag ng 49-year-old Kapamilya singer-actress.

Continue reading below ↓

Sumunod ay nakiusap si Regine na magkapatawaran na, at gumawa ng mga bagay na makabuluhan para sa kapaligiran.

“But for now let us all focus on healing and forgiving each other.

"Sa ngayon I think mas makakatulong tayo kung gagawa tayo ng isang bagay para sa ating kalikasan kahit maliit na bagay lang.......

Continue reading below ↓

“Ang hindi magtapon ng basura kung saan san.

"Maging responsible tayong lahat at magtulungang panatiliing malinis at maganda ang ating kapaligiran."

Continue reading below ↓

Nagpaliwanag din si Regine tungkol sa kanyang kontrobersiyal na tweet kay Locsin.

Inamin niyang mayroon din siyang pagkukulang.

“I answered a tweet that for me was disrespectful to all of us but didn’t realise that I was disrespectful of him too. I’m not proud of that.

"But still this is about people destroying Mother EARTH. it’s the only one we have and so let us love and protect Her. [crying emoji]”

Continue reading below ↓

TEDDY BOY VERSUS REGINE

Nitong Mahal na Araw, nagkaroon ng sagutan ang Asia’s Songbird at ang DFA Secretary hinggil sa diumano’y ilegal na pangunguha ng giant clams ng Chinese fishermen sa Scarborough Shoal.

May mga nadismaya sa tweet ni Locsin, na minaliit ang isyu at sinabing hindi siya makikipaggiyera upang depensahan ang clams.

"I am not going down in history as a clam defender, okay?

"It's a complaint; we're looking into it;

"but these are just fucking food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be OUR food,” bahagi ng tweet ni Locsin noong April 16, Martes.

April 18, Huwebes, binatikos ni Regine si Locsin dahil sinasakop na raw ng Chinese fishermen ang teritoryo ng Pilipinas, kinukuha at sinisira pa ang yamang dagat ng bansa.

Aniya, "Ang akala ko pa naman matalino ka.

"Ako ay simpling tao lamang na may simpleng pagiisip.

"These people are invading our territory they are not just taking food sinistral nila ang ating karagatan!!!!"

Continue reading below ↓

Sagot naman ni Locsin, hindi teritoryo ng Pilipinas ang Scarborough Shoal.

Nagsimula noong 2012 ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China kung sino ang totoong may sakop sa Scarborough Shoal, na kilala rin sa tawag na Panatag Shoal.

BEN TULFO, OGIE ALCASID REACT

Lalong naging mainit ang isyu nang nakisali sa usapin ang broadcaster na si Ben Tulfo, na binatikos si Regine sa pakikisawsaw umano nito gayong wala naman daw itong alam tungkol sa isyu.

Bukod dito ay inalipusta rin ni Tulfo si Regine, at tinawag na nakikiangkas sa isyu at “medyo dwindling” na ang career.

Pinakawalan ni Tulfo ang kanyang mga banat laban kay Regine sa pamamagitan ng isang Facebook Live session noong April 22, Lunes.

Ipinagtanggol naman ni Ogie Alcasid ang kanyang misis sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe kay Tulfo via Twitter.

Pero bago matapos ang Miyerkules, nagkaayos na rin sina Ogie at Tulfo sa social media.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez wants to end issue between her and Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results