Jodi Sta. Maria gives polite reply when asked about reported engagement of Jolo Revilla

by Rachelle Siazon
Apr 25, 2019
Jodi Sta. Maria evades question about reported engagement of ex-boyfriend, Cavite Vice Governor Jolo Revilla.
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Hindi maiwasang tanungin si Jodi Sta. Maria tungkol sa napabalitang engagement ng ex-boyfriend niyang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Naghiwalay sina Jodi at Jolo noong June 2018, matapos ang tinatayang anim na taon nilang on-and-off relationship.

Nito lang katatapos na Holy Week break, noong April 20, namataang nagbakasyon sa Boracay si Jolo at bago nitong girlfriend na si Binibining Pilipinas 2016 first runner-up Angelica Alita.

Dito napansin ng mapanuring netizens ang suot ni Angelica na diamond ring, na hinihinalang engagement ring mula kay Jolo.

Ngayong Huwebes ng hapon, April 25, diretsahang hiningan ng komento si Jodi ng entertainment news reporter na si Allan Diones tungkol sa balitang engaged na sina Jolo at Angelica.

Bahagyang napangiti si Jodi bago mabining tumangging magbigay ng pahayag tungkol sa dating nobyo.

"It's not for me to comment.

"Kasi, you guys know naman that we're no longer together," kibit-balikat na sabi ni Jodi.

Nakausap si Jodi ng entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng presscon ng pelikulang Man and Wife, sa Racks restaurant, Timog Avenue, Quezon City.

Continue reading below ↓

Narito ang video ng cool na reply ni Jodi tungkol sa dating nobyo:

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria evades question about reported engagement of ex-boyfriend, Cavite Vice Governor Jolo Revilla.
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results