Ogie Diaz posts status about "pagiging ina" of Julia Montes

by Arniel C. Serato
Apr 25, 2019
Ogie Diaz on Julia Montes's silence: "Hintayin natin si Julia. In time, magsasalita din yon. For now, let’s be happy for them. Hayaan n’yong i-enjoy nila ang isa’t isa.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Ogie Diaz on Facebook

May pahiwatig ang comedian/talent manager/radio host na si Ogie Diaz tungkol sa panganganak ni Julia Montes.

Sa kanyang regular Facebook status na "Mama OGS Answers” kahapon, April 24, tinanong kunyari ng netizens ang Home Sweetie Home actor tungkol kay Julia at sa napabalitang panganganak nito.

Tanong kunyari sa kanya, “Mama Ogs, ba’t di pa nagpapakita si Julia Montes?”

Tugon ni Ogie, “Hayaan nyo muna siyang namnamin ang pagiging ina.”

So, kinumpirma na ba niya talaga na nanganak na si Julia?

Sagot ni Ogie, “Hintayin natin si Julia.

"In time, magsasalita din yon.

"For now, let’s be happy for them.

“Hayaan n’yong i-enjoy nila ang isa’t isa.”

Dagdag pang tanong sa kanya, “Isa’t isa? Sino yung isa?”

Ani Ogie, “Gagah, ‘yung anak niya, hayaan nyo munang i-enjoy nila ang isa’t isa.”

Continue reading below ↓

NO STATEMENT OF DENIAL

Usap-usapan ang mga lumabas na balita nitong unang linggo ng Abril na nanganak na raw si Julia sa isang pribadong ospital sa San Juan City.

Nakatakip pa nga raw ang mukha ng aktres habang ito ay nasa delivery room.

Hanggang sa ilang showbiz insiders ang nagbigay ng impormasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na totoong nanganak na ang Kapamilya actress.

Nung nagsilabasan na ang balita, ikinagalit daw ito ng ama ng bata na si Coco Martin.

Naging mainitin daw ang ulo ng aktor sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang dahilan, may bago na raw napupusuan ang Primetime King ng ABS-CBN sa katauhan ng leading lady nitong si Yassi Pressman.

Nitong Easter Sunday, April 21, isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Coco sa kanyang Instagram account.

Ayon sa 37-year-old actor, hindi siya mapagpatol sa mga mga isyu, lalo na kapag tungkol sa pribado niyang buhay.

Saad ni Coco, “Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan.

Continue reading below ↓

“may kanya kanya tayong buhay at tayo ang may dedesisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sayo kung sino kaman hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!

"Nagtatrabaho lang ako at may meron din akong pribadong buhay wag nman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan nyo dahil hindi interesado ang buhay ko.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz on Julia Montes's silence: "Hintayin natin si Julia. In time, magsasalita din yon. For now, let’s be happy for them. Hayaan n’yong i-enjoy nila ang isa’t isa.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Ogie Diaz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results