Agot Isidro chides netizen over Regine Velasquez-Teddyboy Locsin issue

by Bernie V. Franco
Apr 26, 2019
Agot Isidro answers netizen criticizing her for speaking up on issue involving Regine Velasquez and DFA Secretary Teddy Locsin Jr.
PHOTO/S: @agotisidro on Instagram

Sinagot ni Agot Isidro ang isang netizen matapos siyang laitin nito dahil daw sa pagiging outspoken ng aktres.

Isa si Agot sa mga artistang madalas magpahayag ng opinyon sa social media, partikular na sa political issues.

Noong nakaraang linggo, pinanigan ni Agot si Regine Velasquez matapos kastiguhin ng Asia's Songbird si Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin tungkol sa ilegal na pagkuha at pagsira ng yamang dagat ng Chinese fishermen sa Scarborough Shoal.

Ni-retweet ni Agot ang mensahe ni Regine laban kay Locsin.

Kalakip nito ang mensaheng “Once a Queen, always a Queen. [crown emoji]”

Continue reading below ↓

Nag-react din si Agot nang binatikos ng broadcaster na si Ben Tulfo si Regine dahil sa kanyang mensahe kay Locsin.

Banat ng singer-actress kay Ben: “Isa pa itong walang kwentang hanash. [fuming emoji].

“Matanong lang. Nasaan na po ang 60M???”

Ang tinutukoy na "P60M" ni Agot ay ang halaga ng government funds na ibinayad ng Department of Tourism (DOT) sa ad placement nito sa Kilos Pronto, ang show ni Ben at kapatid na si Erwin Tulfo sa PTV4.

Continue reading below ↓

Ang DOT secretary noon ay ang kanilang kapatid na si Wanda Teo, na nagbitiw dahil sa kontrobersiya.

NETIZEN SLAMS AGOT

Noong April 24, Miyerkules, isang netizen (@Laurenc78610396) ang pumuna kay Agot dahil sa pagre-react nito sa isyung kinasasangkutan ni Regine.

Patutsada ng netizen sa singer-actress: “ask lang my kwenta ka ba? My naitulong ka ba.

"lakas mo mag salita laban sa ibang tao, ikaw ba natanong mo sarili mo.

"look for yourself first before give a comment to someone else. kasuka ka [vomiting emojis]”

Continue reading below ↓

Hindi ito pinalampas ni Agot.

Buwelta niya sa netizen: “Do I know you? Do I need to tell everyone what I do to help people?”

May halong biro pa niyang sabi: “Also I looked for myself in the mirror, andun pa naman ako.”

Ini-screenshot din ni Agot ang tweet ng kanyang kritiko upang tiyaking hindi ito mabubura.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agot Isidro answers netizen criticizing her for speaking up on issue involving Regine Velasquez and DFA Secretary Teddy Locsin Jr.
PHOTO/S: @agotisidro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results