Kim Domingo admits living together with boyfriend Mike Acuna

by Arniel C. Serato
Apr 26, 2019
Kim Domingo hopes to marry live-in partner Mike Acuña in the end.
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @therealmikeacuna on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Kim Domingo na nagli-live-in na sila ng boyfriend niyang si Michael "Mike" Acuña.

Mahigit tatlong taon na ang relasyon nila.

Si Mike ay fourth-round draft pick ng KIA Motors sa Philippine Basketball Association (PBA) noong 2014. Ngunit hindi siya nakapasok sa final roster ng koponan.

Isa rin siyang model at part-time actor.

Continue reading below ↓

Saad ng 25-year-old Kapuso actress tungkol sa relasyon nila ni Mike, “Live-in po. Live-in na.

“Ano yun, nung ano kami, nung ano pa lang... from the ano pa lang, nag-live in na kami.”

Sa kabila nito, wala pa raw silang balak magpakasal o kaya'y magkaanak na.

Sabi ni Kim, “Wala pa naman sa point na nagpaplano kami na mag-baby na.

“Hindi, ayoko pa rin naman na ano, e, kasi ang dami ko pang gustong gawin.

“Ang dami ko pang gustong magawa.

“And siyempre, di ba, breadwinner din ako ng family, may mga pinag-aaral ako, so hindi pa puwede talaga.

“At ayoko pa rin naman pa. Masyado pa ring maaga.”

Continue reading below ↓

Umaasa ba siyang sa pagpapakasal hahantong ang tatlong taon na nilang relasyon ni Mike?

Tugon ni Kim, "Sana doon na, kasi okay naman kami, wala naman kaming nagiging issue, e.

“May mga konting ano, tampuhan, away, ganyan, pero hindi naman malaki na ano.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Kim sa set visit ng pelikulang Kiko en Lala kahapon, April 25.

KIKO EN LALA

Ang Kiko en Lala ay pelikula ng Backyard Productions under GMA Pictures na pinagbibidahan nina Kim, Jo Beery, Derrick Monasterio, Divine Tetay, Kiray Celis, at Super Tekla.

May special role din dito ang Philippine Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Si Kim ang leading lady ni Tekla, na gumaganap bilang Siamese twins kung saan ang isa nitong katauhan ay loud gay (Lala) at ang isa naman ay straight guy (Kiko).

Wala raw masyadong sexy scenes si Kim sa pelikula dahil gusto na niyang magbago ng image.

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, “Ginawa ko talaga siya para sa sarili ko, kasi yun ngayon talaga ang gusto ko.

“Ginawa ko rin siya dahil hindi para mas matuwa sa akin ang ibang tao o magustuhan ako ng ibang tao, kundi ginawa ko siya kasi dun na ako ngayon mas masaya.

“Kasi ang hirap kasi gawin ngayon ang isang bagay na hindi ka na masaya, hindi mo na nai-enjoy ang pagtatrabaho mo.

“E, ako pa naman, gusto ko kapag nagtrabaho ako, andun yung puso ko sa ginagawa ko.

“Gusto ko masaya ako sa ginagawa ko.”

Mula sa direksiyon ni Adolf Alix Jr., ipalalabas ang Kiko en Lala simula sa May 22

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo hopes to marry live-in partner Mike Acuña in the end.
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @therealmikeacuna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results