Heart Evangelista intends to be more private about next baby plans

by Bernie V. Franco
Apr 27, 2019
After suffering two miscarriages last year, Heart Evangelista opens up about her next baby plans.

Sinagot ni Heart Evangelista, 34, ang isyu tungkol sa plano nila ng asawang si Senator Chiz Escudero, 49, na muling subukang magka-baby.

In-address ng Kapuso actress ang isyu nang tanungin siya ng isang netizen sa isinagawang question-and-answer session ni Heart via Instagram Story nitong Biyernes, April 26.

Tanong ng netizen kay Heart: When are you planning to have another baby?

Sagot ng aktres: "I am currently focusing on what the universe all of a sudden presented to me, and so maybe we try again end of next year."

Pero dagdag ng aktres, plano niyang gawing pribado ang magiging detalye ng susunod niyang pagbubuntis.

"But one thing is for sure, I will announce only when I give birth

"I will make sure to Protect my baby from any kind of negative energy [heart emoji]."

Continue reading below ↓

Noong nagkaroon siya ng miscarriage, matatandaang ilan sa netizens ay nagawa pang i-bash siya.

May 11, 2018 nang i-anunsiyo ni Heart na buntis siya.

May 17, 2018, nag-post si Heart, at sinabing nakunan siya, pero ikinagulat niyang may natitira pang isa dahil kambal pala ang anak nila ni Chiz.

Pagsapit ng unang linggo ng June, malungkot na ibinalita ni Heart na muli siyang nagkaroon ng miscarriage.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After suffering two miscarriages last year, Heart Evangelista opens up about her next baby plans.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results