Abby, Junjun Binay show real-life drama at election forum

by Jojo Gabinete
Apr 28, 2019
Abby and Junjun Binay are both mayoral candidates in Makati City, where their dad Jejomar Binay served as mayor for 18 years.
PHOTO/S: https://www.facebook.com/abby.binay

"Ganito Kami sa Makati" ang pamagat ng television campaign ad ni Jojo Binay nang kumandidato ito at manalo bilang bise-presidente ng Pilipinas noong 2010.

Tumatak sa utak ng mga Pilipino ang campaign slogan ng dating pangalawang pangulo na nagpakita sa Makati City bilang isang paraiso dahil sa mga benepisyo na natatanggap ng mga residente mula nang maluklok si Binay na alkalde ng naturang siyudad.

"Ganito Kami sa Makati" ang pumasok sa isip ng mga nakapanood sa video ng pag-aaway ng mga anak ni Binay sa loob ng simbahan kagabi, April 27, sa San Ildefonso Parish.

Nagkainitan ang magkapatid na Abby at Junjun sa election forum, na binuo ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng San Ildefonso Parish, dahil inakusahan ng incumbent mayor ng Makati City ang mga katunggali sa pulitika ng pagkakalat ng mga "kasinungalingan" tungkol sa kanyang asawa.

"Sa natitirang panahon ngayon para sa kampanya, tigilan na ang pagkakalat ng kasinungalingan, tigilan na ang pagkakalat. Tigilan ang pagyuyurak sa aking pagkatao at sa aking asawa. Hindi kayo mananalo nang ganyan," ang pahayag ni Abby bago ito bumalik sa kanyang upuan at kinompronta ang nakababatang kapatid na kalaban niya sa mayoral race sa Makati City.

Continue reading below ↓

Sa mga video na kuha ng isang Kiezel Anne Panganiban ang buong pangyayari, ang mataas na boses ng magkapatid, ang pagluhod at pagtataas ni Junjun ng mga kamay na nagpapahiwatig ng sarcastic na pagsamba niya sa kanyang ate, malinaw na hindi basta maiisip ng isang mahusay na storyteller o scriptwriter ng mga pelikula at television series.

Continue reading below ↓

Nahinto lamang ang pagbabangayan ng dalawa sa loob ng simbahan nang lumapit ang kanilang ama at ang ibang mga kasama nila.

Isang real-life drama ang nangyari na dinaig ang mga eksena sa pelikula dahil hindi ito scripted at tunay na magkapatid ang mga bida. Kung maikukumpara sa isang comedy movie ang pagkakaroon ng toyo ng kanilang kapatid na si Senator Nancy Binay bilang campaign material, comparable naman sa drama na posibleng humantong sa violence kung hindi naawat ang mga eksena nina Abby at Junjun.

Dismayado ang mga nakapanood sa video ng magkapatid dahil hindi na sila nagpakita ng paggalang sa tahanan ng Diyos. In bad taste ang reaksiyon ng mga tao na nag-chant ng "Abby! Abby!" habang pinapanood nila ang embarrassing scene dahil hindi rin sila nagpakita ng respeto sa simbahan.

Si Monsour del Rosario ang running mate ni Junjun. Habang nagpapaliwanag si Junjun, makikita sa video ang pagtayo at pagtataas ni Monsour ng dalawang kamay bilang suporta sa kanyang kakampi.

Continue reading below ↓

Ganyan sila sa Makati.

Kahihiyan ang idinulot ng insidente sa PPRCV, ang organizer ng election forum na may pananagutan din dahil ginamit nila ang tahanan ng Diyos para sa isang pagtitipon na may kinalaman sa pulitika.

May ilang netizens ang nagsasabi na, unwittingly, binigyan na naman nila ang isang tao sa Malacañang Palace ng dahilan para madagdagan ang pag-atake nito sa mga pinuno ng Roman Catholic church.

Ang eksena na nangyari kagabi, April 28, sa San Ildefonso Parish Church ang magpapaalala sa lahat ng ginawa ni Jesus Christ na mababasa sa John Chapter 2 Verse 13:16 ng Holy Bible:

"13 When it was almost time for the Jewish Passover, Jesus went up to Jerusalem.

"14 In the temple courts he found people selling cattle, sheep and doves, and others sitting at tables exchanging money.

"15 So he made a whip out of cords, and drove all from the temple courts, both sheep and cattle; he scattered the coins of the money changers and overturned their tables.

Continue reading below ↓

"16 To those who sold doves he said, “Get these out of here! Stop turning my Father’s house into a market!”

Imposible na hindi ikinalungkot ni former Vice President Jojo Binay at ng kanyang misis na si Dra. Elenita Binay ang tuluyang pagkabasag ng dati nang may lamat na relasyon ng kanilang mga anak. Hindi nakapagtataka kung tanungin nila ang isa’t-isa ng, "Ito ba ang ating mga anak?" na pamagat ng critically-acclaimed movie ni Ishmael Bernal sa Regal Films noong 1982.

Sinabing ang mga pangyayari ay bunsod ng pagkagahaman sa kapangyarihan. Hindi nila masisisi ang taumbayan dahil sila na rin ang nagpakita ng kanilang maitim at madilim na kulay, na gamit na gamit ni Senator Nancy sa mga campaign ad nito.

Ganyan sila sa Makati.

Postscript. Normal sa magkakapatid at magkakadugo ang nag-aaway, pero itinuturing na kakaiba ang alitan ng Binay siblings dahil nangyari ito sa loob ng simbahan.

Sa showbiz, paborito na pagpistahan ang away ng Barretto sisters, pero hindi pa humahantong sa loob ng simbahan ang palitan nila ng maaanghang na salita.

Continue reading below ↓

Si Kris Aquino ang boluntaryo na nagkukuwento tungkol sa madalas na pagkakaroon nila ng tampuhan ng kanyang kapatid na si former President na si Noynoy Aquino, pero nagpapakita pa rin siya ng respeto sa kuya niya.

Humantong sa korte ang away nina Ara Mina at Cristine Reyes noong 2012, pero magkasundo na sila ngayon dahil pinili na unawain at patawarin ang isa’t-isa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Abby and Junjun Binay are both mayoral candidates in Makati City, where their dad Jejomar Binay served as mayor for 18 years.
PHOTO/S: https://www.facebook.com/abby.binay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results