Isang pari, si Father Jay Cinco, ang gagampanang papel ni Franco Laurel sa pelikulang Maledicto.
“Yes, I’m the chief exorcist priest,” umpisang banggit sa amin ni Franco.
Hindi lamang sa paggawa ng pelikula aktibo si Franco.
Regular pa rin siyang napapanood sa Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin sa ABS-CBN.
“Yeah, I’m still with Ang Probinsiyano, the longest-running,” at natawa si Franco.
FULFILLING HIS PASSION
Alam ng lahat na nabibilang sa sikat at mayamang angkan si Franco.
Kung nanaisin niyang huwag nang mag-artista at magpahinga na lamang sa bahay at magbuhay-mayaman ay puwede niya itong gawin.
Pero mas pinili pa rin niya na patuloy na gamitin ang talento niya bilang isang artist.
Bakit?
Lahad niya, “I need it to do it because I’m an artist and I’m an actor, and it’s my passion.
“At tsaka kahit naman sino, kapag passion mo, you really wanna do something that will fulfill your creative longing, di ba?”
Kaya patuloy siyang umaarte at kumakanta sa showbiz kahit hindi niya ito kailangang gawin.
“Huy, kailangan natin,” at muling tumawa si Franco.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Franco sa mediacon ng Maledicto noong Martes, April 16, sa Finestra restaurant sa Solaire Resort & Casino sa Paranaque City.
RELEVANT
Sa tanong naman kay Franco kung naniniwala ito na may nagaganap pa ring exorcism sa tunay na buhay, pagkumpirma niya, “Yes, it is, it is.
“Well, a lot of people… you know what, perfect question because the movie tackles that, e.
“Is exorcism still existing, yes! Perfect question because that’s what the movie is all about.
“I mean, is exorcism still relevant?
“Yeah, I think it is, it is very relevant.
“I mean a lot of people, hindi naniniwala, but it still is existing,” seryosong pahayag pa ni Franco.
Co-produced ng Cignal Entertainment at Unitel at sa direksyon ni Mark Meily, ang Maledicto ay isang horror film na pinakaunang locally-produced film ng Fox Networks Group Philippines.
Ipapalabas sa mga sinehan ngayong May 1, bida sa Maledicto sina Tom Rodriguez bilang Fr. Xavi at Jasmine Curtis-Smith bilang Sister Barbie.
Nasa pelikula rin sina Miles Ocampo (bilang Agnes), Inah de Belen (bilang Mara), Nina Ricci Alagao (bilang Sister Stella), None Buencamino (bilang Domingo), Shamaine Buencamino (bilang Cecilia), Menggie Cobarrubias (bilang Cardinal Martinez), Martin Escudero (bilang Frederico Manalang), Liza Lorena (bilang Manang Sisa), Che Ramos (bilang Kitty), Lianne Valentin (bilang Vicky) at Eric Quizon (bilang Archbishop Delfino).