Alden Richards on working with Kathryn Bernardo: "Sobrang dali pong pakisamahan."

by Rose Garcia
Apr 28, 2019
Alden Richards (right) on Hello, Love, Goodbye co-star Kathryn Bernardo (left): “Sobrang dali pong pakisamahan, yun lang ang masasabi ko. Wala pong halong kung ano mang PR ang experience ko po sa kanya."
PHOTO/S: @kathniel_israel on Instagram

Tila mas naging kapansin-pansin ang mas magandang pangangatawan at bagong hairstyle ng Pambansang Bae na si Alden Richares nitong mga nakaraang araw.

Ito ay sa kabila ng dire-diretsong shooting schedules niya sa Hong Kong para sa kauna-unahan niyang Star Cinema movie, ang Hello, Love, Goodbye, pati na rin ang recent grand opening ng pagmamay-ari niyang McDonald’s branch sa Biñan Highway, Laguna.

“Kailangan po, e. Para po sa movie yung hair at saka yung tattoo.

“Then, yung pagpayat ko po, talagang nagtuluy-tuloy na rin po.

“Na-maintain ko na rin po yung diet ko rin po,” saad ni Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa blessing ng McDonald’s Biñan Highway noong April 24.

ON LOCATION IN HONG KONG

Kahit daw kasi nagtatrabaho sila sa Hong Kong, sobrang saya raw talaga ng environment at samahan nilang lahat sa movie.

Saad niya, “Sobrang gaan.

“Sobrang nilu-look forward ko araw-araw yung shooting days po dito sa pagsasama namin.

Continue reading below ↓

“Kasi yung treatment na binibigay sa amin ng Star Cinema, kakaiba.

“Parang hindi nila ko trinato na iba o taga-ibang network.”

Sabi nga namin kay Alden, nakikita naman kahit sa mga social media postings nilang lahat sa cast na parang ang saya-saya nga lang nila sa Hong Kong at magkaka-vibes na agad.

Pagmamalaki niya, “Sobrang saya po. Mula director, staff, co-stars to crew, solid po kami.

“Yun po siguro ang advantage ng small group.

“Mas nagiging intact at saka yung out-of-the-country po.”

Dahil din daw sa pelikula nilang Hello, Love, Goodbye, nag-iba rin daw ang tingin niya ngayon sa Hong Kong.

“Dahil po sa movie, yung Hong Kong po talaga, nag-iba ang tingin ko,” sabi niya.

TRIBUTE TO OFWS

Nakararating din kay Alden ang mga positibong komento at mga nae-excite na mapanood na nga ang unang pelikula niya sa Star Cinema at unang tambalan nila ni Kathryn.

Pahayag niya, “Excited po ako na mapanood nila ‘to dahil ang ipapalabas po namin sa pelikulang ito ay mga makabagong OFW po.

Continue reading below ↓

“Kagaya nga po ng sabi ng Star... it’s been a while since the last OFW movie na nagawa po nila.

“It’s about time na kumustahin naman natin ngayon...

“Ano nga ba ang lagay ng mga OFW sa abroad, especially in Hong Kong?

“Tribute po natin ito sa mga kababayan natin sa Hong Kong, movie nila ‘to.

“Ito yung mga nangyayari ngayon at inaral po talaga nilang mabuti.

“Si Direk, lumipad back and forth ng Hong Kong to Manila para aralin yung culture ng Pinoy dun.”

Dugtong pa niya, “At yung script, grabe po yung script, ang ganda!”

WORKING WITH KATHRYN

May sampung araw pa raw ang natitira pang shooting days nila.

Ngayong araw na ito nga, April 28, ang balik ni Alden at ibang cast sa Hong Kong.

Kumusta sila ng leading lady niya na si Kathryn?

Aniya, “Sobrang dali pong pakisamahan, yun lang ang masasabi ko.

“Wala pong halong kung ano mang PR ang experience ko po sa kanya.

Continue reading below ↓

“Sobrang gaan katrabaho. Yung passion po niya sa ginagawa at yung inputs niya sa project, mas nakaka-inspire.

“Si Direk Cathy [Garcia-Molina] rin po, meticulous at kalog na kasama.

“Yung after the movie, kaibigan mo pa rin siya.”

MEETING DANIEL

Nakita rin sa ilang social media posts na pumunta si Daniel Padilla sa Hong Kong para dalawin ang girlfriend niton si Kathryn.

Ayon kay Alden, Nagkita naman daw sila ni Daniel, pero saglit lang din.

Kuwento niya, “Nagkita naman po kami, kasi sinurprise po niya si Kath, since holiday naman po rito.

“Pero hi and hello lang po kami, kasi hinatid lang po si Kath sa bus, 'tapos, nag-pull-out na po kami.

“'Tapos, hindi na po kami nagkita after.

“Nag-surprise siya since holiday po noon dito.”

TV PROJECTS

Wala pa raw ideya si Alden pagdating naman sa gagawin niyang teleserye sa GMA-7.

“From the movie po, tatapusin lang po, tingnan po muna natin.

Continue reading below ↓

“Sa teleserye po, wala pa pong nilalatag na plans at yun po talaga ang ikinatutuwa ko sa GMA, talagang nag-giveway po si GMA for the movie.

“Sobrang thank you po sa entertainment group and talagang they gave me a chance po to grow outside of the network,” pagpapasalamat niya.

ACCOLADES

Masaya raw si Alden na habang nasa Hong Kong siya at nagsu-shooting ng “Hello, Love, Goodbye” ay nababasa niya at nakararating sa kanya ang mga positibong feedback sa ginawa niya sa dalawang Lenten specials ng Eat Bulaga.

Ani Alden, “Thank you po, binigay ko lang din po lahat dahil APT’s 20th year.

“'Tapos, napili po ako ni Direk Mike Tuviera na magbida sa sarili niyang concept.

“Matagal na po niyang kinukuwento sa akin ‘to at nakakatuwa po na tinuloy namin siya for the anniversary.

“Sobrang happy po ako na maganda ang feedback.”

SPECIAL SHOW IN NEW YORK

Posibleng pagkatapos niyang mag-shooting ng Hello, Love, Goodbye ay lilipad naman siya papuntang New York para sa Kapusong Pinoy Musikalye sa May 11.

Continue reading below ↓

Kasama niyang mag-perform sa King’s Theater, Brooklyn, New York ang iba pang Kapuso stars tulad nina Christian Bautista, Rayver Cruz, Golden Canedo, Kyleen Alcantara, Betong and Julie Anne San Jose.

“Sa May 11 po ang show, baka po nandito na rin po kami ng May 14 or 15 po,” pahabol pa ni Alden.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards (right) on Hello, Love, Goodbye co-star Kathryn Bernardo (left): “Sobrang dali pong pakisamahan, yun lang ang masasabi ko. Wala pong halong kung ano mang PR ang experience ko po sa kanya."
PHOTO/S: @kathniel_israel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results