Alden Richards finds fulfillment in enjoying the fruits of his labor

by Rose Garcia
Apr 28, 2019
Alden Richards (right) on reaping the rewards of his hard work: “Parang nagiging sulit po talaga lahat ng hirap at saka mga challenges na nae-experience ko and everything."
PHOTO/S: Courtesy of Richard Faulkerson

Masasabing isa na ring bigating businessman si Alden Richards dahil sa naging matagumpay na grand opening ng pagmamay-ari niyang McDonald’s branch sa Biñan Highway, Laguna.

Nang makausap nga siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 24 sa blessing ng kanyang fastfood outlet, masayang-masaya raw siya dahil sa mga kaibigan niyang dumating.

Lahad niya, “Opo! Masaya po kasi, dumayo pa po yung iba from Quezon City.

“Yung iba, malalayong lugar pa po talaga, nag-leave po sa mga trabaho para makasama po sa neighbor’s day po natin.”

OVERWHELMED

Ilang beses na nabanggit ni Alden noong kausap namin na nagulat daw siya nang makita na niya ang naging kayarian ng branch nila.

“Actually, first time ko pong makita ang tindahan.

“Kasi nga, ang nag-focus po talaga rito, yung tatay ko at ang sister ko.

“Nagulat po ako na ganito po kalaki.

“Na-overwhelm po ako kanina. Parang hanggang ngayon, surreal pa rin po.”

Continue reading below ↓

Masayang kuwento pa ni Alden, “Kasi dati po, ini-invite lang akong magpunta, mag-open ng store.

“So parang ang pakiramdam ko ngayon, ganun lang din.

“So, baka pag-uwi ko, doon pa lang magsi-sink in, baka sa opening day po siguro,” nakangiti niyang pahayag.

Nag-grand opening ang kanyang McDo branch noong Biyernes, April 26, at libu-libong tao at mga tagahanga niya mula sa iba’t ibang lugar ang dumagsa.

Bukod sa parade, may mga naging performances din silang hinanda sa mga dumating.

Nitong nakaraang Sabado lang nag-start ang regular 24 hours operations ng store ni Alden.

Ang una niyang restaurant, ang Concha’s Garden ay may ilang branch na rin.

THANKFUL FOR ALL-OUT SUPPORT

Nakikita niya rin ba ang posibilidad na dumami pa ang McDonald's outlets niya balang araw?

Pakli niya, “Kapag maganda po talaga ang performance nito, sana po next year, makapagbukas pa po tayo.”

“Nakakatuwa rin po kasi yung buong team ng McDonald’s po, very supportive.

Continue reading below ↓

“Kita naman po natin kanina na kahit malayo, nagpunta sila to give their support.

“And since day one po na nag-start kami until today, yung hawak po sa amin, hindi nawala.

“Hawak po kami ng dalawang kamay, pati beywang kasali.”

ENJOYING THE REWARDS OF HIS HARD WORK

Twenty-seven pa lang si Alden.

Pero sa edad niyang yun, may sarili na siyang branch ng isa sa pinakamahal na fastfood franchise sa bansa.

Anong pakiramdam niya tungkol dito?

Pahayag niya, “Parang nagiging sulit po talaga lahat ng hirap at saka mga challenges na nae-experience ko and everything.

“Parang may mga times po talaga na napapagod na 'ko, kasi halos wala na akong time sa sarili ko, sa family, sa mga taong importante sa akin.

“Pero kapag nakikita ko po ang fruits of my labor, kagaya po nito at mga pinaghirapan ko, yung mga traits, yung mga bagay po na hindi ko binago sa sarili ko na nakikita ko sa harapan ko, parang wala lang yung hirap, parang puwede pa.

Continue reading below ↓

“Parang mas marami pa akong paghihirapan para magawa yung ganito.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards (right) on reaping the rewards of his hard work: “Parang nagiging sulit po talaga lahat ng hirap at saka mga challenges na nae-experience ko and everything."
PHOTO/S: Courtesy of Richard Faulkerson
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results