Jodi Sta. Maria explains being on good terms with ex Pampi Lacson

by Rachelle Siazon
Apr 29, 2019
Jodi Sta. Maria on her positive relationship with ex-husband Pampi Lacson and his partner Iwa Moto: "If we didn't have God in our lives, I don't think that we will be to reach this point in our relationship."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @iam_iwa Instagram

Pinatunayan ni Jodi Sta. Maria na sa kabila ng failed marriage nila ng ex-husband na si Pampi Lacson ay posibleng magkasundo pa rin sila para sa ikabubuti ng anak nilang si Thirdy.

"I think, at one point in life, you just have to forget some things that happened in your life. You just have to be selfless," bungad ni Jodi.

Minsan nang naging bukas si Jodi na nauwi sa hiwalayan ang limang taong buhay mag-asawa nila ni Pampi, dahil panay gulo lang ang inabot ng kanilang pagsasama noon.

Pero ayon kay Jodi, sa kabila ng pinagdaanan nila ni Pampi noon ay nakuha pa rin nilang magkaroon ng maayos na relasyon bilang mga magulang ng kanilang anak.

"It's really possible. I would always say, hindi naman ito kaila, na it has only become possible through the grace of God.

"If we didn't have God in our lives, I don't think that we will be to reach this point in our relationship."

Continue reading below ↓

Ang mahalaga ay mapalaki raw nila nang maayos si Thirdy.

Paliwanag pa ni Jodi sa maayos na relasyon nila ni Pampi:

"I put Thirdy first, what he needs. And I think that is what parenting is all about.

"We may not be together as partners, but we can co-parent our child in the best way we can, to be able to give him not only a bright future, but also to show him that despite the situation, kumbaga, magkakatuwang pa rin kami sa pagpapalaki sa kanya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jodi pagkatapos ng presscon ng Man and Wife, ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Gabby Concepcion.

Ginanap ang presscon sa Racks restaurant, sa Timog Avenue, Quezon City, noong Huwebes, April 25.

UNCONVENTIONAL BUT HAPPY FAMILY

Last quarter ng 2016 nang unang mapansin ng netizens ang pagkakaroon ng positibong relasyon ni Jodi kay Pampi at sa partner nitong si Iwa Moto.

Continue reading below ↓

Lumalabas sila bilang pamilya kasama ni Thirdy at anak nina Pampi at Iwa na si Mimi.

Mula noon ay consistent na ang bonding ng kanilang unconventional family.

Huling nasilayan ng netizens ang get-together nina Jodi, Pampi, Iwa, at kanilang mga anak noong January 2019.

Nitong April 2019 ay nakasama naman ni Jodi si Iwa sa isang "night out" kasama ng ilan nilang mga kaibigan.

Continue reading below ↓

ANNULMENT CASE

Ikinasal sina Jodi at Pampi noong March 2005 sa Nevada, USA at nagkaroon din sila ng civil wedding sa Parañaque City noong June 2005.

March 2011 nang maiulat ang kanilang hiwalayan, at noong 2013 ay napabalita namang nasa proseso na ng annulment ang kanilang kasal.

Bagamat inaprubahan ng Parañaque court ang kanilang annulment, binaliktad ito ng Court of Appeals sa inilabas nitong desisyon noong 2016.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, wala pang update kung na-finalize na ang annulment nina Jodi at Pampi.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria on her positive relationship with ex-husband Pampi Lacson and his partner Iwa Moto: "If we didn't have God in our lives, I don't think that we will be to reach this point in our relationship."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @iam_iwa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results