PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maine Mendoza says no to endorsing politicians

Maine Mendoza's manager explains why they do not accept offers from politicians.
by Rose Garcia
Published May 1, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi itinatanggi ng kampo ni Maine Mendoza na maraming pulitiko ang nag-o-offer na iendorso ng Kapuso phenomenal star ang kandidatura nila, ngunit hindi nila ito tinatanggap.

Ayon sa talent manager ni Maine at presidente ng Triple A Management na si Rams David, “Actually, since 2018, may mga kumausap na, may mga nagtatanong na.

“Politely naman, nag-beg off tayo," saad ni Rams nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Highgrounds, Tomas Morato, Quezon City, kahapon, April 30.

Patuloy niya, “Ever since naman, I think, this is not the first time na nag-showbiz siya na nagka-election.

“Before that, wala rin naman tayong ikinampanya.

“Siguro mas gusto natin na okay na yung ganyan, wala siyang pinapanigan. Parang all is fair.

“Feeling ko naman kasi, ang politician doesn’t need someone na magtataas ng kamay mo.

“Kung maganda ang hangarin mo as politician, hindi mo kailangan ng superstar para iboto ka ng tao.

“Ibigay mo lang ang tamang plataporma mo at maganda ang hangarin mo, mananalo ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging sa Bulacan, kung saan nakabase ang pamilya ni Maine, ay may mga lumapit o nagtanong sa mga magulang ng Eat Bulaga! host.

Pero ang stand nila sa Triple A, gayundin ng pamilya Mendoza, wala silang tatanguang offer.

“Sa totoo lang, kung gusto namin ng pera-pera lang… well, maraming nag-o-offer as in, milyun-milyon pa. Pero, hindi na,” sabi ni Rams.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results