Kim Domingo to stop accepting sexy roles

by Arniel C. Serato
May 2, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Desidido si Kim Domingo, 25, na talikuran ang pagpapa-sexy sa TV at movie projects.

Kahit tinagurian siyang susunod sa yapak ni Rosanna Roces dahil sa kaseksihan, napagtanto raw ng Kapuso star na mas gusto niyang makilala bilang serious actress.

Saad ni Kim, "Oo, sinabi ko na rin naman po sa management na kung hanggang saan na lang yung kaya ko.

"Kahit sa Bubble Gang, kasi ang Bubble Gang, siyempre kailangan talaga dun, pa-sexy ka.

"'Tapos meron akong Patikim ni Kim [segment], which is may double meaning naman talaga yung ginagawa ko dun.

"So, medyo in-adjust na rin po yun.

"Hindi, sila na rin po ang nag-decide na, 'Sige iano na lang natin, itigil na lang muna natin yun, gagawan ka na lang namin ng ibang segment.'"

Hindi ba niya naisip na posibleng dumalang ang offers sa kanya dahil sa pagsi-shift niya ng image?

Pag-amin ni Kim, "Actually, naisip ko na rin 'yan, pero inano ko na...

Continue reading below ↓

"Kumbaga, ni-ready ko na rin yung sarili ko na, sabi ko, 'Dumating man yung panahon na yung [mga ginagawa ko] unti nang mawawala at the end, naging masaya ako sa desisyon ko.'

"Yun ang importante na masaya ka sa ginagawa mo, masaya ka sa buhay mo."

Ayaw raw ni Kim na tatanda siyang makilala sa pagpapa-sexy, may mga hindi raw kasi nakakaalis sa nasabing imahe at wala raw silang choice dahil doon na sila nakilala.

Ngunit wala naman daw siyang isyu sa mga desisyon ng mga ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Kim sa set visit ng pelikulang Kiko en Lala.

Isa si Kim sa mga bida rito kasama nina Jo Berry, Derrick Monasterio, Divine Tetay, Kiray Celis, at Super Tekla.

Ito ay mula sa Backyard Productions under GMA Pictures, at nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan sa darating na May 22.

Continue reading below ↓

TOO EARLY?

Nilinaw ni Kim na hindi ang boyfriend niyang si Mike Acuna ang nagpayo sa kanyang talikuran ang pagpapa-sexy.

Hindi ba naisip ni Kim na masyado pang maaga upang mag-iba siya ng direksiyon sa kanyang career?

Saad niya, "Actually, yun nga din sinasabi nila, na masyado pang maaga.

"Pero, yun nga sinasabi ko na, 'Paano kung ikaw, ikaw yung nasa sitwasyon ko, hindi ka na masaya, anong gagawin mo?'

"So, ngayon, kung may mga projects na Wish Ko Lang, talagang kinukuha ko agad, kasi gusto ko mag-drama talaga.

"So, lately, may mga nagawa na akong Wish Ko Lang, mga drama."

Pangarap daw ni Kim na matawag ding aktres balang araw.

Sabi niya, "Actually, sana mangyari ang gusto ko na sana matawag talaga na aktres.

"At the same time, magkaroon din ng best actress award."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results