John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted at birthday party of nail artist

by Arniel C. Serato
May 3, 2019
Celebrity nail artist Mimi Reyes (right) posts her birthday picture with friends Ellen Adarna and John Lloyd Cruz on Instagram last night, May 1.
PHOTO/S: Courtesy: @mimsqiu on Instagram

Madalas na ang pagpapakita sa publiko ng magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Matapos silang magbakasyon sa Bali, Indonesia—kasama ang anak nilang si Elias Modesto at ilang kaibiganspotted ang dalawa sa birthday party ng kaibigan nilang celebrity nail artist na si Mimi Reyes.

Sa instagram post ni Mimi kagabi, May 1, ibinahagi niya sa kanyang followers ang larawan nilang tatlo nina John Lloyd at Ellen.

Caption niya rito: "Happy birthday to me #welcomebackkuya #birthdaylunch #thankyoulovies."



Base sa caption, mukhang matagal nang hindi nagkita ang nail artist at si John Lloyd dahil winelcome niya muli ang aktor.

Balbas-sarado pa rin ang aktor at mahaba pa rin ang buhok nito.

Continue reading below ↓

Hindi kasama nina John Lloyd at Ellen ang kanilang anak na si Elias Modesto.

Huling nag-post ang nail artist ng larawan nila ni Ellen noon pang December 2018, kung saan makikitang karga-karga ng aktres ang anak nila ni John Lloyd.

Samantala, kahit lumabas na social media ang bagong endorsement ni John Lloyd, hindi pa rin malinaw kung magbabalik na rin siya sa paggawa ng TV at movie projects.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity nail artist Mimi Reyes (right) posts her birthday picture with friends Ellen Adarna and John Lloyd Cruz on Instagram last night, May 1.
PHOTO/S: Courtesy: @mimsqiu on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results