Sharon Cuneta on showbiz: "This is my job, it’s not my life."

by Rose Garcia
May 3, 2019
Sharon Cuneta: "I just mastered the art of smiling ano man ang dinadaanan ko. So people will never know kung ano ang nagaganap sa personal kong buhay."
PHOTO/S: Noel Orsal

Na-master na ni Sharon Cuneta ang art of smiling.

“I just mastered the art of smiling ano man ang dinadaanan ko.

"So people will never know kung ano ang nagaganap sa personal kong buhay,” paliwanag ng Megastar.

“Kapag humaharap ako sa tao, kailangang masaya ka.

"Pero kapag Sharonian ka talaga, alam mo yun, kapag may kantang malungkot at naiyak ako, ay! May pinagdadaanan siya or something.”

Ayon pa kay Sharon, “You know, this is my job, e, it’s not my life.

"Showbiz is my profession. It’s a business I truly love and respect.

"That’s why I respect my co-workers and co-actors.

“Pero this is not my life. May buhay ako.

"Kumbaga, pag-uwi ko, ako lang ako. Ito lang ang nabigay na trabaho sa akin.

“Parang kung doctor ka, doctor ka, kasi yun ang inaral mo.

"Ako, nag-artista, it’s my work. Pero hindi siya ang buhay ko.

Continue reading below ↓

“All my life, what I’ve done is be aware of seperating the two. Ayoko na nagiging one and the same.”

Ilang beses nag-outburst si Sharon ng emotions before sa social media.

Lately, mukhang magaan na ang personal na buhay niya.

“Oo, kasi magaan na rin ang timbang ko,” biro niya.

Kailan siya huling umiyak?

“Sa shooting!” natawang bulalas niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sharon sa mediacon ng horror film niyang Kuwaresma noong Abril 23, Martes, sa Valencia Events Place, Quezon City.

GABBY CONCEPCION

Hindi pa rin OK si Sharon at ang ex-husband na si Gabby Concepcion.

“Kasi siyempre, meron kaming fans na gusto pa rin... pero medyo na-trauma ako sa huling hindi natuloy, e,” pag-amin ni Sharon.

“Maraming pangyayari na hindi naman dapat. Ayoko ng ganoon.

"Gusto ko, walang hidwaan, walang misunderstanding, so I’m very open naman to it.

Continue reading below ↓

“Hindi naman kailangang ganoon. It’s not really my call, not my move,” saad niya.

Kung may producer na mag-alok na magsama silang muli ni Gabby, ano na ang magiging stand niya?

Ayon kay Sharon, “Depende pa rin—depende talaga sa kanya.

"Kasi, kapag tinanong mo siya, ang sasabihin niya, anytime puwede siya.

“Ako, ang sabi ko, anytime, puwede ako.

"Pero, tanungin niyo na lang ang producers. Tanungin niyo ang mga producers kung sino talaga yung anytime, puwede.”

Ang anak nila na si KC Concepcion ay sanay na sa kanila ni Gabby.

“Sanay na siya, maliit pa siya... well, my daughter is so understanding and intelligent.

“She’s broadminded and cool, and she knows the situation and she knows us both.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: "I just mastered the art of smiling ano man ang dinadaanan ko. So people will never know kung ano ang nagaganap sa personal kong buhay."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results