Maymay Entrata recalls when Edward Barber almost quit showbiz

by Bernie V. Franco
May 4, 2019
Maymay Entrata on Edward Barber's improvement: "Nakita ko po yung pagiging palaban niya."
PHOTO/S: Noel Orsal

Saksi si Maymay Entrata, 21, sa malaking pagbabago ng kanyang ka-love team na si Edward Barber, 18, sa tatlong taon nila sa showbiz.

Nakilala ang dalawa nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Si Maymay ang itinanghal na grand winner, habang isa sa finalists si Edward.

Maituturing mang baguhan sa showbiz, ang kanilang love team—na kilala sa tawag na MayWard—ang isa sa pinakagigiliwang tambalan ngayon sa industriya.

Kuwento ni Maymay, kung dati ay mahiyain si Edward, nasaksihan niya ang kumpiyansa ng binata sa sarili.

“Nakita ko po yung pagiging palaban niya na dati po, ‘Ayoko, ayoko.’

"'Tapos ngayon, parang siya na yung laging mas palaban sa aming dalawa.

“Nakita ko po si Dodong, sobrang nag-improve po siya sa sayaw. Hindi na niya po kailangan ang tulong ko."

"Dodong" ang tawag ni Maymay kay Edward.

Pagpapatuloy ni Maymay, “Kasi dati, kapag nagri-rehearse kami ng ASAP, pumupunta pa kami ng gym para para mag-rehearse hanggang 1 A.M.

Continue reading below ↓

"'Tapos konti lang yung [steps], inaabot pa kami ng pagri-rehearse ng ilang oras.

“Ngayon po, hindi na niya kailangan.”

Proud daw si Maymay sa malaking pagbabago kay Edward.

“Masaya po ako na nandiyan na naggu-grow siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Maymay sa presscon ng ABS-CBN weekend fantasy series na Hiwaga ng Kambat noong April 30.

EDWARD ALMOST GAVE UP

Nagbalik-tanaw rin si Maymay noong mga panahong halos sumuko na si Edward sa showbiz.

“Saksi po ako kung paano siya nag-improve talaga.

"Kasi andiyan ako nung sobrang down na down na down siya.

“Sobrang halos sabihin niya na, ‘Ayoko na.’

"Pero ngayon, nakita niyo naman kung gaano siya kapalaban, kaya sobrang proud na proud ako sa ‘yo,” pagtukoy sa kanyang leading man.

Sabi naman ni Edward, naranasan niyang mapanghinaan ng loob noong unang taon niya sa showbiz.

Continue reading below ↓

“Especially at the beginning, yung first ASAP ko po, dun nagsimula.

“First ASAP dance prod, nagkamali ako.

“Since then, medyo bumaba ang self-confidence ko.”

Pero naging motivation daw ito ni Edward para galingan.

“When you’re at the bottom, the only way you could go is up,” aniya.

Lubos-lubos naman ang pasasalamat ng young actor kay Maymay na laging nariyan para sa kanya.

Ganito rin si Maymay na laging ibinabahagi ang kanyang tagumpay kay Edward.

Sa katunayan, kahit ang mga pagkilalang natatanggap ni Maymay ay lagi niyang ibinabahagi kay Edward.

Kagaya na lamang nang iginawad sa kanya ang German Moreno Youth Award sa 67th FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Awards kamakailan, kung saan pinasalamatan niya si Edward at ang pamilya nito.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maymay Entrata on Edward Barber's improvement: "Nakita ko po yung pagiging palaban niya."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results