Nadine Lustre recalls how James Reid stood by her during her 'unstable' phase

by Rachelle Siazon
May 4, 2019
Nadine Lustre on boyfriend James Reid: “Kasi kahit sa point na maiinis ka sa akin kasi sobra na, siya po talaga yung nagpapakalma sa akin.
PHOTO/S: Noel Orsal / @nadine Instagram

Inamin ni Nadine Lustre na napatunayan niya ang pagmamahal ng boyfriend na si James Reid noong panahong nagdadalamhati ang aktres sa biglaang pagpanaw ng kanyang kapatid.

October 2017 nang pumanaw ang nakababatang kapatid ni Nadine na si Isaiah Lustre.

Nang sumunod na buwan ay nagbakasyon ang couple kasama ng ilang malalapit nilang kaibigan sa Japan.

Tandang-tanda pa raw ni Nadine kung paano nanatiling patient at understanding si James sa kabila ng extreme mood swings niya noon.

Lahad ng Viva star, “Yung pagiging patient po niya, nakita ko po yun nung bago lang po yung sa brother ko, kasi nag-Japan kami noon.

“And then, hindi ko po alam, e. Yung mood swing ko, malala talaga siya.

“Parang pag hindi ako sang-ayon sa naging desisyon, kasi we travel po as a group, so parang minsan hindi ako nagsasalita, minsan tahimik lang ako.

“Minsan madaldal ako and masayahin ako, 'tapos biglang magsusungit ako.

Continue reading below ↓

“Kapag hindi ko po nagustuhan yung desisyon nila, parang sumasabog ako.

“Sobrang unstable ko nung time na yun.”

Sa halip na magalit sa kanya, naging mas lalo pa raw naging maalaga si James.

“And dun ko po nakita sa kanya na sobrang patient and understanding niya.

“Kasi kahit sa point na maiinis ka sa akin, kasi sobra na, siya po talaga yung nagpapakalma sa akin.

“Siya din po calm din siya, and then he understands completely.

“Hindi po siya nagagalit or naiinis sa akin kahit nakakainis na siya.”

Ikinuwento ito ni Nadine sa kanyang solo presscon dahil sa Best Actress Award na iginawad sa kanya ng FAMAS para sa kanyang pagganap sa pelikulang Never Not Love You.

Ginanap ang presscon sa 6th Floor ng Viva Entertainment office sa Pasig City, Biyernes ng hapon, May 3.

ON PAST ARGUMENTS

Bukod sa panahong nagdadalamhati siya sa pagpanaw ng kapatid, aminado si Nadine na ang pagkikimkim ng kanyang mga nararamdaman ang kadalasang mitsa ng mga pag-aaway nila ni James noon.

Continue reading below ↓

Sina Nadine at James ay parehong 25 years old ngayon.

“I think most of the time, ang nagiging argument namin dalawa, maybe because of how I feel.

“Kasi nga po it was hard for me to open up and tell him what I’m feeling.

“So most of the time, the last few arguments that we’ve had was, parang sasabihin ko sa kanya na, ‘Nag-anxiety ako.’

“And then, tatanungin niya ako, ‘Why? What’s the reason?’ Hindi ko masabi sa kanya.”

Lumaki raw si Nadine na may social anxiety, at hanggang ngayon ay may mga pagkakataong hirap pa rin siyang mag-express ng kanyang nararamdaman.

Watch: Nadine Lustre on marriage proposal from James Reid, reveals panic attacks and social anxiety disorder

“Nagba-bottle up pa rin ako once in a while. So, parang nagiging moody na rin po ako.

Continue reading below ↓

“I-admit ko po na sometimes parang ako rin nagsisimula, kasi pag naging moody na ako minsan, hindi ko na po siya ma-control.”

Pero dahil kay James ay natuto raw siyang maging bukas sa kung anumang bumabagabag sa kanya, lalo na kung mayroon silang hindi pagkakasunduan.

“I learned to reach out and be the one to apologize first, especially kung kunwari alam ko naman po na fault ko rin, ako naman yung sumabog and ako naman yung nagalit sa kanya.

“Because sometimes, I still have that po.

“Pag hindi ko gusto yung sasabihin niya sa akin or yung sagot niya sa question ko, nag-i-snap pa rin ako sometimes.”

Continue reading below ↓

NO ALMOST BREAKUP

Sa kabila nito, siniguro ni Nadine na hindi raw kailanman umabot sa puntong muntik na silang maghiwalay ni James dahil sa isang away.

“No, hindi po,” paglilinaw ni Nadine.

Patuloy niya, “Nung bago pa lang po kaming dalawa, ganun nga po yung ugali ko na kapag nag-away kaming dalawa, ako yung lumalayo.

“Parang I’m giving him the cold shoulder, hindi ko siya kinakausap, dinedeadma ko lang siya.”

Lahat daw ng kanilang hindi pagkakaunawaan ay nadadaan sa maayos na usapan at hindi nila ito pinatatagal.

“Nag-usap po kami one time and sinabi niya sa akin na kung ganun ang nararamdaman mo, kung magagalit ka sa akin, huwag kang lalayo.

“Kasi at the end of the day, ikaw din ang kawawa. Kasi ikaw yung may dala-dala, e. Ta’s ikaw yung galit sa kanya.

“So, parang it’s better na lang po to talk about it and resolve it right here and right now.

Continue reading below ↓

“Para at least pagkatulog mo, when you wake up the next morning, OK na kayo parehas. Wala na pong problema.”

Paniniguro pa ni Nadine, “Yeah, matagal na rin po kasi kaming hindi nag-away, e. As in super tagal na rin po.”

Noong February 11 ipinagdiwang nina James at Nadine ang kanilang third anniversary bilang magkarelasyon.

At kumpiyansa raw si Nadine na mas naging matibay ang pundasyon ng kanilang samahan dahil sa mga suliraning nalampasan nila.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre on boyfriend James Reid: “Kasi kahit sa point na maiinis ka sa akin kasi sobra na, siya po talaga yung nagpapakalma sa akin.
PHOTO/S: Noel Orsal / @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results