Bea Binene shookt by 5.5 magnitude Mindoro quake

by Arniel C. Serato
May 4, 2019
Bea Binene took to Instagram to narrate horrible earthquake experience in Mindoro earlier this morning, May 4.
PHOTO/S: Courtesy: @beabinene on Instagram

Labis na takot ang naramdaman ng Kapuso star na si Bea Binene dahil sa 5.5 magnitude earthquake na tumama sa Occidental Mindoro kaninang 9:05 ng umaga, April 4.

Nasa Mindoro si Bea dahil nag-shoot ito ng isang segment para sa show nila ni Vicky Morales na Good News sa GMA News TV.

Kuwento ni Bea, nasa airport na siya sa San Jose, Occidental Mindoro nang naganap ang malakas na lindol.

Sabi niya sa kanyang post sa Instagram, “This happened this morning when we were waiting for our @cebupacificair flight back to Manila from Occidental Mindoro.

"The aircraft landed at San Jose airport at 8:48am, and by 9:05 we all felt the 5.5 magnitude earthquake.

"Yung unang naramdaman namin was parang malakas na nagttakeoff na airplane, or parang malakas na nagbulldozer or jackhammer.

"Yung pangalawa naman, parang nasa bangka tapos malakas ang alon. Lumabas kaming lahat papuntang parking ng airport (sa parking kami nagpunta dahil kahit na nasa tapat lang namin ang runway, which is an open field, it’s still not safe to go there dahil may mga fuel trucks, may possible na magland na eroplano at may aircraft na nakapark na hindi imposibleng matumba pag lumindol ulit).

Continue reading below ↓

"Nakakatakot kasi malapit kami sa dagat and the epicenter of the earthquake was just one or two towns away from our location (+/- 6kms away, the locals said).

"May nakausap ako na ngayon lang daw sya nakaramdam ng ganun kalakas na lindol sa tagal na nyang naninirahan doon.

"Around 30 mins after, when the inspection of CAAP, PNP and fire dept were done, pinadirecho na agad nila kami ng aircraft to board.

"Sa lahat po ng nasa 5J514 at SJI airport kanina, I hope you are all safe.

"Gusto ko po magpasalamat sa mga staff ng San Jose airport sa pag assist sa lahat ng pasahero."

Ligtas na nakabalik si Bea sa Maynila at pinag-iingat niya ang lahat ng taga-Mindoro sa mga aftershocks.

Dagdag pa niya, "We are now safely back in Manila.

"Kakakita ko lang online na lumindol uli doon, kaya sa lahat po ng nasa Occidental Mindoro at kalapit probinsya, magiingat po kayo.

Continue reading below ↓

"Maging #IAmReady at magdasal po tayong lahat para sa kaligtasan ng buong bansa."

View this post on Instagram

This happened this morning when we were waiting for our flight back to Manila from Occidental Mindoro. The aircraft landed at San Jose airport at 8:48am, and by 9:05 we all felt the 5.5 magnitude earthquake. Yung unang naramdaman namin was parang malakas na nagttakeoff na airplane, or parang malakas na nagbulldozer or jackhammer. Yung pangalawa naman, parang nasa bangka tapos malakas ang alon. Lumabas kaming lahat papuntang parking ng airport (sa parking kami nagpunta dahil kahit na nasa tapat lang namin ang runway, which is an open field, it’s still not safe to go there dahil may mga fuel trucks, may possible na magland na eroplano at may aircraft na nakapark na hindi imposibleng matumba pag lumindol ulit). Nakakatakot kasi malapit kami sa dagat and the epicenter of the earthquake was just one or two towns away from our location (+/- 6kms away, the locals said). May nakausap ako na ngayon lang daw sya nakaramdam ng ganun kalakas na lindol sa tagal na nyang naninirahan doon. - - Around 30 mins after, when the inspection of CAAP, PNP and fire dept were done, pinadirecho na agad nila kami ng aircraft to board. Sa lahat po ng nasa 5J514 at SJI airport kanina, I hope you are all safe. Gusto ko po magpasalamat sa mga staff ng San Jose airport sa pag assist sa lahat ng pasahero. We are now safely back in Manila. - - Kakakita ko lang online na lumindol uli doon, kaya sa lahat po ng nasa Occidental Mindoro at kalapit probinsya, magiingat po kayo. Maging #IAmReady at magdasal po tayong lahat para sa kaligtasan ng buong bansa. ????????

A post shared by Bea Binene (@beabinene) on

Nitong nakaraang April 22 lamang, niyanig ng 6.1 magnitude earthquake ang malaking bahagi ng Luzon.

Ilan sa mga celebrities na nagbahagi ng kanilang naranasan sa lindol ay sina Vice Ganda, Regine Velasquez, at Sharon Cuneta.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Binene took to Instagram to narrate horrible earthquake experience in Mindoro earlier this morning, May 4.
PHOTO/S: Courtesy: @beabinene on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results