Diretsahang sinagot ng TV host na si Gretchen Ho ang isang netizen na pumintas sa kanyang pisikal na pangangatawan.
Walang kaabug-abog na nagkomento ang isang Twitter user na "@gretchenho Wala ka pala boobs #UKG hahaha"
Ang UKG ay tumutukoy sa Umagang Kay Ganda, ang early morning public affairs program ng ABS-CBN kung saan isa sa co-hosts si Gretchen.
Base sa tweet ni Gretchen noong May 2, ipinahiwatig niya na hindi kabawasan sa kanyang pagkatao ang pagiging flat-chested.
Ani Gretchen, "Loud and proud my friend"

May iba namang netizens ang natuwa na hindi nagpatinag si Gretchen sa kabila ng uncalled-for remark sa kanya.
Narito ang comments nila:
