Maymay Entrata, Edward Barber agree to do separate projects

by Bernie V. Franco
May 6, 2019
Edward Barber and Maymay Entrata explain that they have agreed to accept projects separately in the hope of making themselves better artists.
PHOTO/S: Noel Orsal

May usapan sina Maymay Entrata, 21, at Edward Barber 18, na huwag magpatali sa kanilang love team.

Napagkasunduan nilang gumawa ng individual projects para maging mas mahusay na artista.

Sina Maymay at Edward ay dating housemates sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 edition noong 2016, at ginawang love team nang pasukin ang showbiz.

Magkapareha pa rin ang dalawa sa kanilang current project—ang weekend Kapamilya fantasy series na Hiwaga ng Kambat.

Pero pag-amin ni Edward, hindi nakasentro sa MayWard—tawag sa tambalang Maymay at Edward—ang takbo ng istorya.

Sina Edward at Grae Fernandez ang pinakabida ng serye kung saan gumaganap sila bilang kambal.

“Romance and love team take the backseat in Hiwaga ng Kambat,” pagkumpirma ni Edward sa isang presscon noong April 30.

“I don’t mean wala talaga, pero hindi po yun ang focus ng story.

“Ang focus ng story is about two brothers and their family, and the journey that they go through to find a family talaga.

Continue reading below ↓

“So love takes a step back in that respect, pero andun pa rin po yung aspect ng romance.”

WILLING TO DO SEPARATE PROJECTS

Inamin ni Maymay sa presscon na hindi siya pinayagang maging support lamang sa Hiwaga ng Kambat, pero hindi raw ito isyu sa dalaga kaya tinanggap pa rin niya ang role.

“Pero ako kasi, kahit ano po kasi, tanggap ko.

"Basta andun ako, nakasuporta sa kanya.

"Sobrang okay sa ‘kin yun,” pahayag ni Maymay.

Nagkausap na rin daw sila ni Edward sa paggawa ng separate projects.

“'Tapos nagkuwentuhan pa nga kami, ‘Paano kung may ibang [project] tayo, hindi tayo magkasama?’

"'Tapos parang ni-ready na namin yung sarili namin na kailangan naming mag-grow individual, pero andiyan pa rin yung suporta namin sa isa’t isa.

“Okay lang po talaga sa ‘kin,” diin ng young actress.

Sa katunayan, noong 2018 ay gumawa ng pelikula si Edward kasama sina Bea Alonzo at Aga Muhlach, ang First Love.

Continue reading below ↓

Kasama naman si Maymay sa upcoming movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.

Paliwanag ni Maymay, “Kasi ako, hindi pa ako perfect pa na artist. Marami pa akong gustong matutunan.

"Kaya, ayun po, habang may mga ganyang roles, tini-take ko po.”

Sabi naman ni Edward, nakausap na nila ang kanilang mga magulang at ang management sa kasunduan nila ni Maymay.

“It’s good and we’re happy to learn separately and grow, kasi siyempre, if we grow separately and come back together, mas malakas pa and [the] partnership as well.”

Dugtong niya, “Siyempre, it’s uncomfortable, pero someone whom I respect very much told me na if you’re not uncomfortable, you’re not growing.

“So always be uncomfortable. Always challenge yourself.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edward Barber and Maymay Entrata explain that they have agreed to accept projects separately in the hope of making themselves better artists.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results